Complicated
*
"Luh! Jan kana nga! Kukunin ko pa cellphone ko sa maid's quarter," pag fake laugh ko pa bago tumungo sa kwarto.
Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba na baka narinig niya ang malakas na pagtibok nito kanina.
Hindi na ata normal tong nararamdaman ko, mali na nga yata. Asan nga ulit yung sinabi ko na pipigilan ko ang sarili kong hindi mahulog? Scam ba yon? Sa lahat-lahat ba naman ng tao sa mundo. Sa pitong bilyon na yun, bakit kay Nathan pa? Pwede naman sana sa isa sa mga kapitbahay ko sa probinsya ah? Ang weird.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad ko namang hinanap ako cellphone ko, pagbukas ko nito ay namataan ko ang iilang messenges ni Mamshi.
Mamshi:
Ayos ka lang ba? Hindi kana nagreply.
Mamshi:
Hinahanap ka ni Leo.
Mamshi:
Kailan ka uli bibisita?
Napabuntong hiningan naman ako ng maalala na hindi ko nga pala siya nareplyan kanina. Tumawag naman ako dahil tinatamad talaga akong mag'type. Agad naman niyang sinagot yun.
"Mamsh? Ayos lang po ba kayo?" bungad ko.
*Oo, hinahanap ka ni Leo,*
Napabuntong hininga naman ako.
"Hanap po ako ng tyempo Mamsh ha,"
*Wag mo papabayaan ang sarili mo,* aniya.
Pagkatapos ng tawag ni Mamshi ay agad ko ring itinago ang cellphone ko sa bulsa ko. Napabuntong hininga ako bago lumabas. Namataan ko naman na wala ng tao sa garden kaya pumasok na rin ako sa loob.
"Ate! Dito matutulog si Gab. Sleepover, sama ka ah," bungad ni Nica pagkapasok ko.
"Huh? Hindi ako matutulog sa kwarto mo ngayon dahil nandito naman ang Mommy mo," saad ko.
"Okay lang yan ate! Sunday naman bukas e. Please?" pag puppy eyes niya.
Nagkibit balikat naman ako. "Hmm, pag-iisipan ko, pero pag umulan sa maid's quarter ako matutulog ah?"
Kinunot naman niya ang noo niya. "What do you mean by that ate?"
"Walang katabi si Kitty, takot pa naman yun sa kulog," I chuckled.
"Oh! Sama mo si ate Kitty! Masaya yun! Lalo pa't masyadong madaldal si ate Kitty," excited niyang tugon.
"Nako, baka di ako makatulog, sa dami ba naman ng mga kwento non," pagbibiro ko.
Tumawa naman siya bago nagpaalam na umalis. Tumungo naman ako sa side na puro sweets at desserts,tamis naman! Sana all. Choz.
Kumuha ako ng cake pops at kinagatan yun, agad namang nag-iba ang ekspresyon ko ng maramdaman na nangingilo nga pala ang ngipin ko sa matatamis. Nag to'toothbrush naman ako ah. Inubos ko naman yun dahil sayang, tsaka ako uminom ng tubig.
"You like sweets?"
Nabigla naman ako sa pagsulpot ni Nathan sa gilid ko. Shuta ka ghorl? Walang pasabi?
"Hindi noh, minsan lang," saad ko.
Bahagya naman siyang tumango. "It's okay to eat sweets, nakakasama nga lang pag nasobrahan,"
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...