Us
*
"Pasado na tayo this sem!" masiyang saad ni Lucas.
Isang linggo na rin ang nakalipas ng nagsimula ang ginawa ng organization namin. Tinapos rin namin noong weekend ang research namin. Pinagpuyatan rin namin iyon sa bahay nila Camille kaya naman galak na galak kami ngayon nang matanggap ang results.
"Anong pakulo ng med building ngayon? Bakit busy sila?" ani Cathy.
"Medical Mission nila bukas ata? O sa susunod pa?"
"Hindi paba sila tapos? Last week?" pagtataka ko.
"Hindi. Na'move ata schedule nila kaya ngayon sila naghahanda,"
"Tignan mo yang ipaktita mong pinsan, papansin na naman kay Torres oh. Taray! Break na sila nung engineering?" asik ni Lucas.
Nasa gym kami ngayon dahil may orientation ang lahat ng students at dahil malapit lang ang building namin sa building nila, nagtabi-tabi kaming lahat rito. Whole day ang class ko ngayon at out na sana ng alas kwatro kaso narito kami ngayon, nakikinig sa nakakaantok na speaker.
I glanced at them. Pilit na lumalapit si Atria sa gawi ni Nathan kahit na nakaupo siya malapit sa mga kaibigan niyang mga lalaki. Nathan's friends keeps on teasing him with Atria. Nagtatawanan pa, hindi na sana mabalik sa dati yang mga panga nila.
Nagpalumbaba ako at iniwas ang mga tingin ko ng makitang tinititigan ko sila. Uminom ako ng tubig para ikalma ang sarili ko. What the hell.
Nakinig na lamang ako sa pinagsasabi ng speaker kahit pa inaantok ako. I divert myself from them. Hindi ako magseselos noh! Magsama pa sila.
Sa kalagitnaan ng program ay tumunog ang phone ko na agad ko namang tinignan kung sino iyon. Oh..
Nathan:
Lumipat na ako ng upuan. I'm sorry.
Napaangat naman ako ng tingin sa gawi niya at nakitang nakahiwalay na nga siya kay Atria at naupo na sa mga kaibigan niyang mga lalaki. Bahagya naman akong napairap, ano bang pakealam ko? Kahit naman magchukchakan sila riyan, edi magsama na sila.
Nathan:
Tell me what are you thinking, please.
Simula nung nakuha niya ang number ko sa magaling na si Jayzee, oras-oras at minu-minuto na siyang nagte'text sa akin. Feeling close.
Ako:
Inaantok ako.
Tell me what are you thinking daw eh kaya ayan. Inaantok ang nasa isip ko. Sumasakit pa ang pwet ko kakaupo rito. Ka'umay.
Sa kakainom ko ata ng tubig ay kailangan niya ng lumabas sa katawan ko kaya agad akong nagpaalam sa mga kaibigan ko na mag re'restroom lang muna ako.
Nasa likod lang naman ng gym ang restroom namin kaya hindi na ako nahirapan na pumasok pa ng building. Sasabog na ata tong pantog ko kapag pinigilan ko pa.
Nang makalabas ako sa cubicle ay agad akong naghilamos at konting re'touch lang para hindi ako magmukhang puyat.
"Ka'kaaral mo yan," pagkausap ko sa harap ng salamin.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Ficção AdolescenteWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)