Wakas

65 3 1
                                    

*

"Isang taon na kayong break ni Maika dude. Move-on! Marami namang iba diyan," saad ni Patrick, my friend.

"Shut up you fucker. Hindi pa kami break, cool-off lang,"

"May cool off bang may iba ng kasama?" nagkatinginan sila ni Ryle.

Maika and I became a puppy love couple way back highschool at nung nag grade eleven lang naging seryoso at naghiwalay lang last year. She's a nursing student habang ako naman ay dentistry. Our serious relationship lasted for almost two years at nasayang lamang dahil she was about to marry someone. Hindi niya man lang ako ipinaglaban at itinapon ang mahigit apat na taon na pinagsamahan namin.

"Ilang linggo ka ng hindi na naman umuuwi sa bahay niyo ah? Saan ka natutulog?" pangungulit ni Ryle.

"Isabelle," maikli kong saad.

The day that I found out na may kinakasama na si Maika na iba. I accused her that she cheated on me and yes ganon ako kadaling manghusga. Nung una ay nagtampo lamang ako dahil hindi ko siya kayang mawala pero kalaunan, hindi na kami nag-usap pa.

"Please, kakausapin ko ang parents mo. Ipaglalaban naman natin to diba?" pagsusumano ko sa labas ng bahay nila.

"Nathan, hindi mo ba naiintindihan? Ayoko na. Ikakasal na nga ako sa iba hindi ba? Aling parte pa ang hindi mo maintindihan ha?" aniya.

"Lahat Maika! Lahat. Bakit ba bigla ka nalang aayaw?"

"Kasi ayoko na. Hindi pa ba sapat na rason iyon?" saad niya at pinagsaraduhan ako ng pinto.

That was the last conversation we had since she broke up with me sa kalagitnaan ng second semester ko as first year college student. It was my first heart break since she was my first love. Simula rin non ay nagbago ang lahat at napapansin ko iyon pero hindi ko man lang pinagbibigyan ng pansin. My grades were getting low during that time.

Hindi ko ni'consider na break-up ang huling pag-uusap namin non ni Maika dahil para sa akin ay cool-off lang namin iyon sa isa't-isa. Isa lamang sa cool-off namin. Hindi narin ako madalas na umuuwi sa bahay ng sa hindi ko malamang kadahilanan. Nakakainis naman kasing tumambay don palagi, masyadong tahimik ang mga tao. Hindi katulad dati na kapag uuwi ako ay kasama ko si Maika at kapag hindi naman ay lagi naman kaming magkausap sa cellphone.

"You're wasted bro!" pag-akay ni Patrick sa akin.

Umiikot man ang paningin ko ay pinilit ko paring maglakad ng diretso papalapit sa gate namin. Life sucks when you're fucking wasted!

Hindi ko na pinansin ang kaibigan dahil sa hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, basta ang nasa isip ko ngayon ay makahiga na sa malabot kong kama. This is the first time na uuwi ako simula nung sa condo muna ako ni Isabelle sa loob ng dalawang linggo.

I have my duplicate keys kaya madali na sa akin na makapasok agad. Tangina, anong oras na ba? May duty ba si Mommy ngayon?

Pagpasok ko sa loob ay madilim na ang paligid. Don't be that stupid motherfucker Nathan. Sinong tanga ang gigising sa oras na ito? Ikaw lang malamang.

Aakyat na sana ako sa panglimang hakbang sa hagdanan nang may biglang humila sa akin na nakapagpabalik sa ulirat ko. Napahiga ako sa sahig at kahit na madilim ay nakikita ko ang isang babae na akmang hahampasin na ako ng kung ano man ang hinahawakan niya ngayon. What the fuck was that?

"Hey! What the actual fuck are you doing?" kumurap-kurap pa ako para matignan siya ng mabuti. "Who are you?"

Bigla naman siyang napatayo at agad na lumayo sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba to sa kalasingan ko o totoo talagang may babaeng ganito kaganda sa harapan ko ngayon na kahit madilim ay nakikita ko parin?

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon