Mother's Love
(mejo long chap)
*
Nanatili siyang tahimik sa tabi ko. Ilang minuto rin akong humihikbi pero ni isang salita o tanong ay wala akong narinig galing kay Kiko. Nasa harap ng ilog rito sa parke, niyakap ko ang sarili ko dahil sa malamig ng simoy ng hangin.
Nakaupo kaming dalawa sa isang bench at nakatanaw sa tahimik na ilog. Ang maliwanag na buwan at mga street lights ang nagmimistulang ilaw namin. I look around at bahagyang napangiti. Ang saya ng mga tao kahit alam mong nahihirapan sila sa kanilang sitwasyon.
Natanaw ko ang isang ale na nagtitinda ng chicharon at sa gilid niya naman ay ang asawa niya siguro na nagtitinda ng balot. May mga taong isa-isa ng inilalatag ang kanilang mga banig at karton dahil oras na siguro ng kanilang tulog kahit alas siyete pa lang naman ng gabi.
Napabaling naman ako sa taong nasa tabi ko ngayon. Tahimik lang siyang nakatanaw sa harap.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" saad ko ng makabawi.
Bumaling naman siya sa akin. "Hindi ko alam. Dinala nalang ako ng mga paa ko rito,"
"Imposible iyon,"
He smirked. "Hapunan na. Tumayo ka riyan, kakain tayo."
Nagtaka akong hinarap siya. Inaasahan ko pa naman na magtatanong siya kung anong nangyari sa akin at hindi itong magyayaya siyang kumain.
"Wala akong gana," matamlay kong saad.
Balak ko sanang umuwi nalang sa condo ni Kyla at magkulong sa kwarto kaso wala nga pala sa akin ang mga gamit at cellphone ko dahil naiwan ko iyon sa cafè kanina.
Naisip ko ang nangyari kanina. Hindi ako galit sa kahit kanino, dahil ang sabi ni.. ang sabi ni Mamshi sa akin nung mga bata pa lang ay wag na wag raw kaming magtatanim ng galit sa ibang tao kung hindi naman namin alam ang tunay na nangyari. Kung hindi namin naririnig ang saloobin nila.
I grew up full of words of wisdom coming from my Mom at lahat ng iyon, dala-dala ko pa rin hanggang ngayon. Hindi ako galit sa kanilang dalawa ni Paps. Hindi ako galit na naging magulang ko sila. Galit ako dahil sa ginawa nilang kasinungalingan sa akin.
"Halika na. Nagugutom na ako," reklamo naman ng isa.
Tumayo naman ako at inayos ang sarili ko. Miserable siguro akong tingnan ngayon dahil sa pag-iyak.
"Ibabalik ko nalang tong panyo mo sa s-susunod ah?" I smiled.
"Sayo na yan," malamig niyang saad.
Tumango naman ako at sumunod na sa kaniya. Nilakad lang namin ang paroroonan namin at napadpad kami sa isang karenderya. Pumili kami ng ulam bago naupo sa pandalawahang upuan. Tahimik pa rin siya.
"Diba dapat nasa Quezon City ka ngayon?" I tried to be casual.
"Nabagot ako roon,"
Hindi siya energetic ngayon kaya naninibago ako. Tumango naman ako at hinayaan nalang.
Natapos kaming kumain at hindi ko na napigilan na sabihin na ako nalang ang uuwi dahil kaya ko naman.
"Kiko, wag mo na akong ihatid. Kaya ko naman.." yuko ko.
"Kaya ko rin naman na ihatid ka, kaya ihahatid kita, Leandra."
Hindi na talaga normal to ah! Kanina pa siya naka poker face habang kinakausap ako at hindi ako sanay roon. Bakit ba kasi?
"Galit ka ba?" ibinaba ko ang tingin ko at kinurot-kurot ang mga daliri ko.
"Hindi ko gusto ang pagtakbo mo kanina,"
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)