New beginning
*
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto kaya naman nagulat pa sila nang makita ako. Nagkatinginan sila kaya agad akong naupo sa harap nila.
"Naiintindihan ko kayo.. pero dapat sinabi niyo sa akin kahit papaano.." mahinahon kong saad.
Nilapitan ako ni Kyla at hinawakan ang dalawang kamay ko. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero mas nag-aalala ako kay Nica.
"We don't want to tell you because.. sisisihin mo na naman ang sarili mo Leandra. Wala kang kasalanan sa lahat.." aniya.
Umiling ako. "Kamusta si Nica?"
"She's fine now. Ang sabi ng doktor babalik rin ang alaala niya but for now she doesn't even remember her friends, pero kilala niya ang Mommy at Daddy niya," ani Jayzee.
Napasinghap ako. "Pwede ko ba siyang makita?"
Nagkatinginan silang dalawa kaya nagtaka naman ako.
"Nathan doesn't want you there Philomena.." saad ni Kyla.
"The moment na nalaman niya na hindi siya kilala ng kapatid niya.. he doesn't want you to go near Nica," ani Jayzee.
"Please i'update mo'ko Jayzee ha," baling ko sakanya.
"Kumain ka na muna. You need energy kasi magkikita kayo ng pamilya mo," paghagod ni Kyla sa likod ko.
Tumango ako sakanya at nagsimula na rin kaming kumain. Wala naman talaga akong gana pero kailangan ko. Nag-aalala pa rin ako kay Nica at naiintindihan ko ang kuya niya kaya ayos lang. Magiging maayos din lahat Leandra. Tiwala lang.
Pagkatapos namin mag-ayos ay hinatid naman ako nila Kyla sa hospital at aniya'y i'text ko lang siya kung may kailangan ako. May pasok silang dalawa ngayon. Nakokonsensya naman kaagad ako kasi nagiging pabigat na naman ako sa dalawang to.
"Okay lang. Dito na siguro ako matutulog ngayon," saad ko kay Kyla.
"Are you sure? You can sleep in my condo. Ako lang mag-isa don," pag pout niya.
Niyakap ko siya. "Thank you sa lahat pero dito muna ako. I'tetext kita. Promise!"
Tumango naman siya bago tuluyang lumabas at pumasok ulit sa kotse niya. Sa parking lot lang kasi sila at hindi na sila pumasok dahil male'late na rin sila sa klase.
Pagpasok ko sa loob, normal na araw lang naman para sa iba. Mejo maraming pasyente pero okay lang naman, nakukuha pa rin naman nilang ngumiti. Sana ganyan din ako.
"Kiko! Hindi ka ba papasok?"
Napalingon ako sa nurse station dahil maraming nagkukumpulan. Anong meron? Bahagya akong napatingin roon at nakita na naman yung Kiko na yun. Nakasuot siya ng kanyang puting uniporme habang may dala-dala siyang basket na puno ng mga kakanin. Palagi ata rito yung kumag na yon ah?
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ni Leo. Suminghap muna ako ng maraming hangin bago binuksan ang pinto at namataan na kompleto silang lahat roon at ako nalang ang kulang.
"Ate!" ani Joaquin.
Agad niya akong niyakap at hinalikan ko naman ang noo niya.
"Anak, hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka," ngiti ni Mamshi.
"Surprise?" natatawa kong tugon.
Tiningnan ko naman si Papshi at nakitang parang sinusuri ako nakatingin lang siya diretso sa akin.
"Paps! Namiss kita ah, namiss ko kayo!"
"Buti nakapagpaalam ka," saad ni Mamshi.
"Umalis na ho ako ma,"
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Fiksi RemajaWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)