Chapter 30

70 4 0
                                        

Truth


*

"Anong nangyari sayo uy? Ayos ka lang?" marahang saad ni Kiko.

Marahan naman akong tumango at balisang napatingin sa likod niya at gulat dahil wala na ang dalawa roon. Huh? Napadaan lang kaya sila rito? Para saan naman? At bakit ko naman sila iniisip?

"Medyo naparami ata ang nakain ko eh," pagdadahilan ko.

"Okay lang yan! Mas mabuti ngang marami kang kinain kaysa sa wala," he chuckled.

Madaldal si Kiko kaya talak siya ng talak sa harapan ko tungkol sa mga nangyayari sa buhay niya habang ako iba ang nasa isipan. Anong ginagawa nila sa lugar na ito? Sa dinamirami ba naman, dito ko pa ulit siya makikita. Ganoon na ba talaga kaliit ang mundong ginagalawan natin?

"Tapos sabi pa nila na.."

Eh ano naman kung magkasama sila ulit? Baka pa nga nagkabalikan oo. Feeling mo rin kase Leandra eh, dapat kasi sa mga taong gusto mo lang, gusto mo lang. Hindi minamahal. Pag nahulog, hulog lang. Hindi yung magpapakahulog ka talaga. Sarap rin kasi konyatan ng sarili ko eh.

"Nakikinig ka ba?"

Napabalik ako sa ulirat ng biglang mag snap ang mga daliri ni Kiko sa harapan ko. Nakokonsensya tuloy ako dahil siya ang kasama ko ngayon pero ibang tao ang pinagtutuonan ko ng pansin.

"Ah! Oo. Pasensya na, ano nga ulit iyon?" pambawi ko.

"Nagkukwento ako kung gaano ako ka-mama's boy,"

"T-Talaga? Pareho kayo ni Joaquin.." I smiled.

Inaalala kung gaano ka mama's boy si Joaquin. Dati kasi kapag may umaaway sa kanya, ang laging takbuhan niya ay si Mamshi na abala sa pagtatrabaho sa parlor. Magsusumbong na para bang kinuhanan siya ng candy. Si Leo kasi, hindi siya mama's boy o papa's boy. Balance din yung batang iyon.

"Nasaan si Joaquin?"

"Nasa probinsya pero..hala! Uuwi nga pala sila ngayong hapon," kinakabahan kong saad.

"Balik na tayong hospital?"

"H-Ha? Okay lang naman! May pupuntahan ka pa ba? Pwede..pwede naman kitang samahan.." pagyuko ko.

I felt bad for Kiko. Siya na nga yung nag-aya sa akin dito tapos ako pa tong may saltik na kung ano-ano o kung sino-sino man ang iniisip.

"Sigurado ka? Sasamahan mo ako?" naliwanagan ang kaniyang mga mata.

"Boomerang ka ba, Kiko? Oo nga. Saan ba?"

Hindi naman siya kumibo at ngumiti na lamang. Tumayo siya kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Maaga pa naman kaya nagtext muna ako kay Mamshi na baka mamaya pa ako makakauwi buti naman at pumayag siya at aniya'y mag-iingat raw kami.

"Balik po kayo sir Francis!"

Nginitian naman ni Kiko ang isang staff na kumakaway sakanya ngayon. Binuksan niya ang main door at pinauna ako na makalabas bago siya sumunod.

Tumingala ako sa kaulapan at namataan na maaliwalas ito ngayon kumpara sa sobrang init kanina. Hindi maaraw, hindi rin naman maulan. Sakto lang.

"Di ka pa pagod?" biglang saad niya nang nasa isang waiting shed kami para pumara ng masasakyan.

"Huh? Hindi pa naman," pagkibitbalikat ko.

Tumango siya at ginawa na naman niya ang paglalagay ng mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng maong shorts niya. Hobby niya na ba yun? Hawak-hawak ko naman ang basketball cap na ipinahiram niya sa akin kanina dahil wala namang araw kaya wala akong dahilan na suotin iyon.

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon