Chapter 33

46 3 0
                                    

Acceptance

*

"Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you,"

Iminulat ko ang mga mata ko at ang sikat ng araw ang sumalubong sa akin at si Kyla na may hawak ng cake.

"Bangon ka na, you're old!" he laughed.

Napaupo ako sa kama at inayos ang buhok ko bago siya hinarap. Kagabi, alas onse na ng gabi ako nakauwi dahil roon muna ako nakitambay sa room nila. Si Paps ang naghatid sa akin sa condo ni Kyla dahil na rin sa kagustuhan nila. Gusto man nilang manatili ako roon hanggang sa mag birthday ako kaso, sabi ko na kailangan na nilang umuwi dahil mas kailangan sila ng mga kapatid ko roon. Hindi pa man nila alam, alam kong lagi't lagi. Magkakapatid pa rin kami.


"Babawi po ako next time Mamsh," saad ko ng nasa labas kaming pinto.

Umiling naman siya. "Kami dapat ang bumawi sayo. Uwi ka sa amin ah?"

"Hapon pa kami babyahe bukas, may oras pa kami sa umaga na kitain si Maricar para na rin maayos na lahat. Pasensya ka na anak.."

Tumango ako at ngumiti sa dalawa bago ako ihatid ng ama sa condo ni Kyla. Nasa parking kami ng napatigil si Paps sa paglalakad kaya nagtaka ako. Umayos ako ng tayo at hinarap siya na nakapamulsa ngayon.

"Mahal ko ang Mama mo.. sobra," panimula niya na ikinagulat ko.

"Pasensya ka na, narinig ko ang usapan ninyo kanina.." he chuckled a bit. "Hindi ko alam na sa mga panahong nagsama kami, iyon pala ang iniisip niya. Hindi ko alam, anak," pag-iling ni Paps. "Siguro nung panahon na kinuha kita kay Maricar, mahal ko pa siya. Pero sa tuwing iniisip ko lahat ng magagandang ginawa ng Mamshi mo sa iyo.. nahulog na rin ako sa kanya,"

Nakahawak sa bag, pinapakinggan ko lamang ang ama na may luhang nagbabadya sa mga mata niya. Isang beses ko lang nakitang umiyak ang tatay ko, yun ay ang nalaman niya na may sakit ang kapatid kong si Leo.

"Palpak ata ako sa pagpapakita non sa Mamshi mo," he looked away.

"Maraming panahon pa po para makabawi kayo. Mahal ka po ni Mamshi. Sobra," ngiti ko.

"Babawi ako sa lahat," pagtango niya.

Niyakap ko si Paps bago siya nagpaalam na aalis na siya dahil gabi na rin. Bago paman ako makapasok ng tuluyan sa elevator. May naalala ako. Si Kiko! Shet! Hindi na siya pumasok sa isipan ko dahil sa dami ng gugmugulo rito.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at agad na tinawagan siya. Napasapo ako sa noo ko dahil nakokonsensya na naman ako. Nakakainis ka Leandra, si Kiko na nga ang nagmamalasakit sayo eh.

Matagal bago niya sinagot iyon, mga ilang ring rin bago siya nakasagot.

"Hmmm.." ang bagong gising niyang boses ang bumungad sa akin.

"Hello? Kiko! Sorry kanina," I pouted. "Nawala sa isip ko. Nakauwi ka na ba? Pasensya ka na,"

He chuckled. "Ayos lang. Ang sabi ng Papa mo siya na ang maghahatid sayo kaya sumang'ayon na rin ako. Nagtext ako sayo ah?"

"Huh? Hindi ko nakita! Sorry din, nagising pa ata kita. Bawi ako next time," kinagat ko ang hintuturo ko.

"Hindi ah, nakaidlip lang ako dahil sa pagbabasa. Quiz ko bukas,"

"Sorry talaga,"

He chuckled more. "Okay lang talaga. Pahinga ka na. Good night!"

Napabuntong hininga ako bago nagpaalam at ibinaba ang cellphone ko. Pag-akyat ko sa condo ni Kyla ay namataan kong gising pa ang kaibigan ko.

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon