Hello! This is me, Lau! This is the final chapter of my first published book which is the Lost In Your Arms! I am glad that I was able to share it with you the wonderful journey of Leandra Philomena. I will see you again in the epilogue and I'm finally closing this book na. See you!
Kiss
*
Matiwasay na natapos ang lunch namin. Nagtungo ako sa kusina para tumulong. Pinipigilan pa nga ako ni Kitty pero sabi ko ayos lang naman. Si Nathan naman ay nasa sala dahil inaayos ang nasirang laruan ng nakababatang kapatid.
Nica is upstairs at nagre'review dahil may quiz sila sa Monday. Si Ma'am Norma naman ay nasa garden kasama si Manang at Ate Mina. Pumasok naman sa trabaho si Sir Ethan at si Mikoy naman ang naghatid dahil hindi pa nakakabalik si Kuya Paeng.
Nakatayo si Kitty sa gilid ko habang pinagmamasdan niya akong naghuhugas ng pinggan.
"Gusto kitang murahin at batukan dahil sa pag-iwan mo sa akin," she chuckled. "Pero masaya ako kung ano ka man ngayon. Masaya ako kasi malaya ka ng nagagawa ang mga bagay na gusto mo. Proud ako sayo,"
"Thank you, proud din ako sayo." I smiled.
"Nung araw na umalis ka, hindi na naging ganon ka sigla ang bahay ulit," she sighed. "Alam mo yung feeling na kompleto naman yung parte ng katawan mo pero parang may kulang? Hindi naman ako baldado pero bakit pakiramdam ko may kulang?"
Pinunasan ko ang mga kamay ko bago siya tinignan ng diretso. Waiting for her to say more.
"Nakita namin kung paano nagalit si Sir Nathan sayo noong gabing iyon at pasensya na kung wala man lang kaming nagawa.."
"Ayos lang iyon Kitty. Naiintindihan ko,"
"Simula rin noong araw na iyon hindi na namin madalas nakikita na kinakausap ni Nica ang kapatid niya. Naapektuhan ang bata kaya may mga bagay siyang hindi naaalala at nung araw na iminulat ni Nica and mga mata niya, ang Mommy niya kaagad ang hinanap niya tapos ikaw. Naging malamig ang tungo ng bawat isa kaya napilitan si Sir Nathan na mag condo," dagdag pa niya
She look at me straight into my eyes. "Alam mo, ang bait-bait mo. Sobra. Kaya hinahangaan kita, kaya masaya ako para sayo,"
Ngumiti naman ako dahil sa sinabi ng kaibigan. Napaisip tuloy ako kung bakit umalis ng bahay si Nathan, pero kahit na ganon masaya naman ako na naging maayos na. We all deserved the love and to be loved.
"Nandito? Nasaan- Leandra!"
May sasabihin pa sana ako kay Kitty pero napalingon kami kay Kuya Paeng na kakarating lamang at gulat na napatingin sa akin.
"Kuya Paeng!" saad ko at agad na niyakap siya.
Namiss ko ang Kuya ko rito! Siya kasi yung taong mapang-asar man pero grabe naman kung protektahan kami.
"Ikaw ba talaga yan? Baka ginu'goodtime lang ako ni Mikoy ah!" he laughed. "Namiss ka namin dito!"
"Kamusta ka na? Balita ko, big time ka na ah,"
"Kuya! Hindi naman po," nahihiya kong saad.
"May jowa ka na?"
"Meron Kuya, si Sir Nathan," pag-singit ni Mikoy na kakarating lang.
"Sabing wag e'epal eh!" irap ni Kitty.
"Si Nathan?!" gulantang niyang saad. "Ang ibig kong sabihin, ha? Teka, kakain muna ako ah? May utang kang kwento sakin mamaya,"
"Nasa quarter na ang pagkain mo Kuya, hinanda na iyon ni Ate Mina," si Kitty.
Tumango naman si Kuya Paeng at tumungo na sa likod. Wala namang nagbago kay Kuya at kung meron man ay siguro mas tumangkad siya ngayon katulad kay Mikoy.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)