Home
*
I explained to Manang Melda and Kitty what happened to me. Napatango-tango naman si Manang Melda habang si Kitty naman ay nginangat-ngat ang kaniyang kuko. Gawain niya kapag may bumabagabag sa utak niya o kaya naman ay kinakabahan siya.
"Magpahinga ka nalang muna ng mabuti ngayong araw. Hindi ka naman pinagta'trabaho ni Norma kaya ayos lang na pumarito ka muna sa kwarto buong araw," ani Manang Melda.
Napaangat ako ng tingin sakanya na nanlalaki ang mga mata. Seryoso ba siya? Hindi ko naman ata kaya na dito nalang ako buong araw. Mababagot tsaka mababaliw ako dahil wala akong ginagawa, tsaka wala akong sakit. Oo at baldado pa ako ngayon pero mag ako talaga gumaling. Hah! Who you ka sa akin satanas.
"Tama nga naman si Manang Melda, Leandra," pagtango-tango ni Kitty. "Dito ka nalang muna,"
Napailing naman kaagad ako sa kanilang dalawa. Never talaga ako sasang'ayon noh.
"Manang, Kitty, mas lalo lang akong mag-iisip ng kung ano-ano kapag dito lang ako sa kwarto buong araw, hindi po ba?" baling ko kay Manang Melda. "Sa garden nalang po ako, o kaya naman don kina Mikoy at Kuya Paeng, pwede rin na tumulong ako kay Ate Mina sa loob ng bahay. Diba po pinapabutasan niyo kay Mang Roberto yung mga pot? Pwede rin po ako don. Tingin-tingin lang po ganon. Wag niyo naman ho ako ikulong rito, please Manang?" pag puppy eyes ko sakanya.
Napasapo lamang si Manang Melda sa mga sinabi ko.
"Bahala ka nga riyang bata ka. Pasok muna ako sa bahay at baka kung ano nanamang nabasag ni Mina roon," she said tapos umalis narin ng kwarto.
"Alam mo ikaw Leandra, sarap mo rin hambalusin sa sobrang tigas ng ulo mo,"
Napabaling ako sakanya at tinawanan lamang sinabi niya. Nagulat siya nang bigla ko na lamang siyang niyakap.
"Thank you,"
"Ha? Thank you saan?" aniya na nagtataka.
"Kasi palagi kang nandyan para sa akin,"
She hugged me back.
"Ahhh! Porn!" biglang pagsulpot ni Mikoy na naabutan kami ni Kitty na nagyayakapan.
Agad naman kaming kumalas ni Kitty sa isa't-isa at matalim kong tiningnan si Mikoy na madramang tinatakpan ang kaniyang mga mata.
Tumayo ako at marahang kinurot ang tenga niya tsaka kinaladkad papasok sa kwarto namin ni Kitty.
"Ikaw.. masyado kang kupal, alam mo ba yon?" ani ko na kinukurot parin ang tenga niya.
Namimilipit na siya sa sakit kaya naman binitiwan ko na siya.
"Namimihasa ka na sa pananakit sakin Leandra ah," pagreklamo niya.
Napabaling ako kay Kitty sa gilid ko na natatawa na. Tumingin ulit ako kay Mikoy na nakahawak na sa kanyang kaliwang tenga kung saan ko kinurot.
"Yan ang napapala ng kupal na katulad mo,"
"Bakit kaba kase nandito? Ke aga-aga eh," si Kitty.

BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Ficção AdolescenteWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...