Chapter 3

140 15 1
                                        

Thief

*

Dalawang linggo na simula nung nagsimula akong magtrabaho rito sa mansyon ng mga Torres, ang bilis ng panahon noh? Grabe parang nung isang araw kadarating ko lang rito eh. So far so good. Tumatawag naman sila Mamshi at Papshi sa akin, si Jayzee naman pana'y ang text. Aish! Minsan naiisip ko wala ba yung trabaho? Sagana sa text eh. Hindi ko nalang narereplyan kase minsan sobrang busy ko sa trabaho.

Masyadong malikot si baby Nico, yung baby na inaalagaan ko. Bago pa lang pala siya nag 3yrs old nung nakaraang buwan. Si Jacob kase mag aapat na taon na sa susunod na tatlong buwan. May sweldo na siguro ako niyan kaya makakapagpadala na ako kay Mamshi at Papshi.

Nagiging madaldal at masigla na rin ako kapag kinakausap ko ang mga kasamahan ko rito. Nakakapag adjust na kumbaga. Good news yun para kay Kitty kase raw may nakakasabay na sa pagiging masiyahin niya.


"Ako na jan Kitty."

Nagdidilig si Kitty ngayon sa garden at dahil wala naman ako ginagawa kase nasa mall si Ma'am Norma, Ma'am Nica at baby Nico tutulong nalang ako dito sa bahay.

Tinignan lang ako ni Kitty. No emotions.

Minsan talaga nakakalito tong si Kitty eh. Minsan maingay, minsan naman bigla-biglang tatahimik. Mood swings ka ghorl?

Pinikon nanaman to ni Mikoy panigurado. I laughed at that thought. Laging ganito si Kitty kapag pinipikon siya ni Mikoy, si Mikoy naman tuwang-tuwa. Nagmumukha na tuloy silang aso't pusa.

"Hmm, huhulaan ko ba't ka ganyan?" I chuckled.

Nakasimangot pa rin siya sa akin.

"Leandra wag na, mas lalo lang akong maiinis don." sabay irap niya.

Natawa na lamang ako sakanya.

"What's up, what's up!" napatingin kami sa biglang sumulpot na si Mikoy.

Speaking of the devil.

"Oh, ba't nakasimangot yang isa jan?" panunukso nanaman niya kay Kitty.

Umirap lang si Kitty sa kanya.

"Alam mo Kitty, crush ka siguro ni Mikoy kaya ganyan yan sayo." pampalubag ko sa kanya.

"Ew! Never!" sabay pa nilang sinumbat yun.

"Nako, di nyo ba alam yung kasabihan na 'The more you hate, the more you love'" in'ephasize ko pa yung mga katagang yun sa hangin.

Napakamot lang ng ulo si Mikoy.

"Ewan ko sainyo, kakapanood niyo yan ng mga telenovela eh. Alis na nga ako magkacarwas pa'ko eh." aniya sabay alis.

"Parang timang ka naman Leandra. O sya ikaw na rito magdilig don nalang ako sa tapat magwawalis." sabay bigay ni Kitty ng hose sa akin.

"Asus! Sight seeing ka lang kay Mikoy eh." panunukso ko sa kanya.

"Neknek niya!" sabay lakwatsa niya paalis.

Natawa na lang ako sakanya at pinagpatuloy ang pagdidilig.



*

Mabilis ang naging oras kaya naman marami akong nagawa buong araw. Hapon na kaya malamang maya-maya nandito na sila Ma'am Norma.

"Leandra! Nandito na sila Norma." tawag ni Manang Melda.

Ayon speaking of, kaya naman dali-dali akong pumasok sa mansyon para salubungin sila.

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon