Schoolmates
*
"Ano?! Bakit siya lumipat? Ang ganda-ganda na ng school niya ah?" I said a little bit frustrated now.
Nakipagkita ako kay Kyla ngayon at ang chika na ibig niyang sabihin sa text kanina ay tungkol kay Nathan na lilipat nga sa school na kung nasaan kami nag-aaral.
"Hindi ko alam? I'm not a stalker Philomena," pagkibitbalikat niya.
"Ano bang course non? Graduating na iyon ah? Trip niya lang?"
"Dentistry. Fourth year and yes Philomena, graduating student. Uyy! Affected," she teased.
"Hoy! Hindi ah! Hindi ko naman siya crush," I looked away.
"Wala naman akong sinasabi," she smirked.
Napabuntong hininga nalang ako sa iritasyon. This is so frustrating! Wala kang magagawa Leandra dahil hindi naman ikaw ang may-ari ng school. Ano naman ngayon? Kung schoolmates kayo? Hindi ka na affected diba? Panindigan mo yan.
"May inuwian ata dito?" saad ng nasa harapan ko.
Ininom ko naman ang iced coffee ko bago napalingon sa kanya. She teasing me right now.
"Syempre namimiss niya yung pamilya niya. Ano ka ba Kyla,"
"Sabagay.. nakakamiss nga naman,"
I mocked her dahil halatang nang-aasar nga naman siya. Ang dami ng nalalaman dahil sa boyfriend niyang si Jayzee.
Kinuha ko ang phone ko at inabala nalang ang sarili ko. Nagulat pa nga ako ng bigla iyong tumunog dahil sa tawag ni Kiko.
*Tol! Nasaan ka?*
"Nasa hmm, nasa Pilipinas ata? Bakit?"
*Akala lahat nakakatawa eh,*
"Joke! Nasa mall. Nag lunch kami ni Kyla. Bakit nga?"
*Wala naman, nangangamusta lang. Ingat ka Philomena! Bye! Wish me luck unang drive ko ngayon,*
Napaayos naman ako ng upo dahil sa narinig. Drive? May sasakyan na siya? Woah! Akala ko sa graduation pa iyon mabibigay sa kanya ah?
"Hala! Seryoso ba yan? Congrats! Goodluck tol! Ingat!" masigla kong saad.
Matagal ng gusto ni Kiko ang sasakyan na iyon kaya naman sa mga nakaraan ay panay ang pag-aaral niya ng mabuti para roon. Nagbunga nga naman lahat ng paghihirap niya.
"Oh.." Kyla smirked again. "Francis Vargas hmm. Hindi ka talaga nililigawan non? Final answer? Kasi.. babawiin ko na yung pusta ko,"
"Huh? Hindi nga! Tsaka anong pusta?"
"Choz! Nevermind. I'm sure our chicken will still gonna win,"
Hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin si Kyla dahil sa dami niyang pinagsasabi na hindi ko naman naiintindihan. Iniba ko naman ang topic at kinamusta siya. She's been living alone since her first year. Masyadong busy ang parents at buti nalang dumating si Jayzee para samahan siya sa lahat.
"Bisita ka sa bahay, please?" I pouted.
"Stop that! Pero sige. I will. Is it okay with your Mom?"
"Oo naman! She likes you bakla! Sino ba namang hindi ka magugustuhan. Ang perfect mo na kaya,"
She laughed at that. Kwentuhan at catch-up lang naman ang naging eksena bago kami nagpaalam na sa isa't-isa. Makikipagkita pa daw siya kay Jayzee habang ako naman, lutang na nagtungo sa bookstore para bumili ng kagamitan ko.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...