Visit
*
Mariin niya akong tinitigan na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. I smiled and held his hand para tuluyan na kaming makapunta sa parking.
He remained silent hanggang sa makapasok na kami sa kotse niya. Nakahawak siya sa manibela at bahagyang nakayuko na para bang may malalaim na iniisip.
"You must be kidding me," pag-angat niya ng tingin sa akin.
Kinunot ko naman ang noo ko. Mukha ba akong nagbibiro dito?
"Parang tanga ka naman kung ganon.." I joked.
He chuckled and grab my hand and he kissed the back of my palm. Nagulat naman ako roon pero nanatili akong kalmado. Binitawan niya saglit ang kamay ko at pinaandar ang sasakyan niya and he's still wearing his white uniform as of the moment at hindi ko nga alam kung saan kami pupunta ngayon.
I heard him whispering some curse habang ako naman ay diretso ang tingin sa kalsada. It's dark already and I can now see the beautiful city lights. This is not my home but my heart belongs here. This is not where I grew up but my soul belongs here.
He grab my hand again at ipinagsalikop iyon habang ang kabilang kamay niya ang nakahawak sa manibela. It's traffic kaya napalingon ako roon.
"What's on your mind?" aniya.
Itinagilid ko naman ang ulo ko na bahagyang nakasandal sa upuan. Umiling ako sa tanong niya at ngumiti. Wala namang ibang nasa isip ko ngayon. The exact word that could describe my mood now is my surname. Maligaya.
"Ki'kidnapin mo ata ako ah? Saan ba tayo?"
Umandar na ang sasakyan pero ang kanyang kamay ay nanatili paring nakahawak sa akin. Hindi naman siguro kami ma'aksidente kung isang kamay lang ang ginagamit niya ngayon sa pagmamaneho diba?
Nakakahiya naman kapag namatay kami dito ngayon dahil panigurado ang ipapalagay ko sa cause of death: Kalandian.
"I don't know? Where do you want us to go?" aniya.
"Akala ko ba nagpaalam ka kay Mama? Tapos di mo alam kung saan tayo pupunta," binitawan ko ang kamay niya at ipinagkrus ang mga braso ko.
"Hey," he chuckled at kinuha iyon ulit. "We'll have dinner together. I was just teasing you love,"
Ngumuso naman ako. Ang malanding to!
"I'm your boyfriend now," it was a statement, not a question. "But I still have to talk to your parents. I know they are.. mad at me."
Nawala naman ang ngiti ko sakanya. My parents were very understandable. May panahon na nagalit sila dahil roon pero kalaunan ay naiintindihan naman nila ang naging sitwasyon. Hindi naman sila galit. My parents was the one who taught me to hear the other people's side before I react.
I smiled. "Oo nga raw.. ipapakain ka ni Paps sa mga kalabaw namin sa Probinsya,"
Seryoso siyang nakatingin sa kalsada pero he glanced at me na may gulat na ekspresyon.
"Charot!" I laughed.
Masaya naman akong lumaki sa pamilya na ang laging nasa isip ay ang ibang tao. It was selfish though pero na'realized ko na kailangan pala talaga nating marinig lahat ng hinaing nila bago natin sila husgahan.
Isang oras rin ang naging biyahe namin. Nagpark ang sasakyan niya sa isang cafe na medyo pamilyar sa akin. Oh..
We both removed our seatbelts at sabay na lumabas ng sasakyan. His arm snaked around my waist the moment na lumapit ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)