Batangas Day 2
*
Napaangat ang tingin niya sa mga ulap. "Sana bumalik na siya kahit di na niya ako mahal," malumanay niyang tugon.
Napatingin ako sakanya. Kitang-kita mo ang pagsusumano sa mga mata niya. Ang lakas nga naman talaga ng epekto ng pag-ibig ano.
"Babalik ho yun, sir," saad ko kahit wala naman akong alam sa nangyari sakanya.
"It's getting cold here. We should go inside," biglang saad niya.
We daw. Ibig-sabihin kaming dalawa? Taray! Friendship na kami ah?
Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. Sumunod naman siya at sabay kaming naglakad papuntang hotel.
Wala ng masyadong tao sa lobby dahil nasa kanya-kanyang room na rin siguro ang mga tao. Ang iba siguro'y nasa bar para mag saya.
"What floor?" aniya nang makasakay na kami sa elevator.
Nag-isip naman ako. Anong floor nga ulit kami? Nakalimutan ko!
"You forgot,"
Napayuko naman ako dahil nakalimutan ko nga. Pinindot niya ang 12th floor.
Pagkarating namin roon ay inisa-isa namin ang mga pinto.
"Dito ba?"
Napailing naman ako dahil halos pare-pareho ang mga room dito. Ngayon ka pa talaga nakalimot Leandra.
May nakita akong pinto roon at sigurado akong yon ang room namin.
"Dito po sir,"
Tumango naman siya at pinuntahan na namin ang room na iyon.
"Are you sure?" may pagtataka sa mukha niya.
Kinatok niya ito ngunit walang sumagot.
"Baka po tulog na sila?"
Kinatok namin ng mejo malakas at biglang bumukas ito at bumulaga sa amin ang ibang tao! Mali pala ang room na'to!
"Ano ba?! Ang ingay niyo ah?!" reklamo ng matandang babae. "Kung may balak kayong mantrip, wag dito!" sigaw niya pa sabay bagsak ng pintuan.
Nagulantang kaming dalawa ni Nathan at sabay na natawa.
"What's with her face?" si Nathan na natatawa.
"Oo nga po, mukhang monster kapag nagagalit,"
Naglakad na kami pabalik sa elevator at pinindot niya ang 14th floor.
Nang nasa elevator na kami ay tawa parin kami ng tawa.
"Ene be eng engay neyo he," panggagaya niya."
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)