Chapter 5

66 10 2
                                    

Annoying

*

Mabilis ang panahon kapag maganda ka. Charot! Mag-iingay nanaman yang mga kapitbahay jan. Kala mo talaga! Hmp! Sobrang bilis ng buwan ng Mayo at charan! June na guys. Second week of June to be exact. Sobrang daming nangyari sakin sa buwan ng May ah. Di ko keri ng very slight.

Sa sobrang dami diko na alam kung humihinga paba ako. Charot ulit!

"Kuya Nathan, paano ba to?" tanong ni Nica sa kuya niya habang nakatingin siya sa notebook niya. Nagkakamot ng ulo.

Nasa sala kami at abala si Nico sa panonood ng paborito niyang cartoons sa TV si Nica naman gumagawa ng assignment at ang kuya naman nila na masungit nasa gilid nag la'laptop. Oo noh! Masungit yan! Porke't broken hearted eh.

"May assignment na kayo agad? Bago palang nagpasukan ah? Ano ba yan?" singit ko.

"Yeah, meron na kaya nga nakakainis ate eh. I'm not good at this subject pa naman,"

Tumango lamang ako.

Napalingon tuloy si Nathan sa banda ko at agad na umismid. Ano ba problema mo ssob? Binalewala ko siya at bumaling nalang ulit ako kay Nico.

"I don't know that," malamig na tugon ng kuya niya.

Napayuko naman si Nica. Halatang bigo dahil panigurado di siya tuturuan nitong kuya niya.

Binalingan ko siya dahil nakakaawa naman.

"Ano ba yan? Gusto mo turuan nalang kita?"

Lumiwanag naman ang mukha ni Nica.

"Really ate?"

Tumango ako. Napalingon tuloy ang kuya niya sa banda namin at umirap. Lah babae kaba ha? Charot.

"Oo nga. Anong subject ba yan? Math?"

"No ate. Filipino to,"

Ngumisi ako. Alam ko yan! Best in Filipino kaya ako nung elementary tsaka highschool! Pagmamayabang ko sa isip ko.

"Patingin nga,"

Inabot naman niya sa akin ang notebook niya na puro salitang English na isasalin sa Filipino. Afatay.

Pagbuklat ko ng libro niya.. wow! Sana all speak the English. Char! Masyadong madali na English words pero kapag sinalin mo na sa Tagalog, aynako! Ewan. I'm not graduating. Charot ulit! Mag-iingay nanaman yang kapitbahay na yan, kesyo mag t'teacher tapos di marunong mag English. Luh? Joke-joke lang eh.

Napatango-tango ako.

"Hmm, madali lang yan. Sige tuturuan kita mamaya pag nakatulog na si Nico ah?"

Tumango-tango naman siya at nagpatuloy sa na lamang si ibang assignments niya.

Nagpatuloy naman ako sa pagbabantay kay Nico. Memorized ko na tong mga palabas dito konting-konti nalang talaga. Hays.

Habang nanunuod ako biglang nag vibrate ang telepono ko.

Si Jayzee pala. Kinuha ko yun at binasa ang mensahe niya.

Jayzee:

Hi Leandra!

Lah? Anong trip nito.

Ako:

Ano nanaman?

Jayzee:

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon