Birthday
*
"Change it. I can see your bra from here. Wag matigas ang ulo," aniya sabay iwas ng tingin at pinagkrus ang mga braso niya.
Agad namang namula ang mukha ko tsaka pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib ko. Nakakahiya! Ilang beses ka ba dapat mapahiya sa harapan ni Nathan?
Napatingin ako kay Nico. Hindi pwedeng iwan yan jan na siya lamang mag-isa at baka tumalon yan sa pool.
"I'll take care of him," aniya na parang binabasa ang nasa isip ko.
Nag'aalinlangan pa ako nung una pero agad rin naman akong kumaripas ng takbo papunta ng maid's quarter.
Bago pa ako makapasok ng tuluyan sa kwarto ay bumungad naman sa akin si Kitty.
"Oh? Ba't parang hinabol ka ng maligno jan?" aniya.
Agad naman akong pumasok sa kwarto at kinuha ang isa ko pang uniform.
"Engkanto humabol sa akin hindi maligno,"
"Anong nangyari jan sa suot mo? Nagswimming ka ng naka uniform lang? Iba ka rin talaga," pang-aasar niya.
Inirapan ko lang siya at sinarado ang pinto dahilan na nakalabas na siya ng kwaro at agad naman akong nagbihis.
Paglabas ko ay nandon parin sya malapit sa sink, kumakain ng mansanas. Napatigil naman ako at kumuha rin ng mansanas.
"Chill lang tayo jan sa gedli ah," puna ko.
"Nagmo'mop nga ako don sa sala eh, napatigil lang dahil ginutom ako," aniya sabay kagat sa apple niya.
"Ay, wow! May break time,"
"Ikaw? Nasaan alaga mo?" tanong nanaman niya.
"Nasa kuya niya," saad ko.
"Bakit nandon? Pinasa mo na trabaho mo sa amo mo ah,"
"Kasalanan rin naman ng kutong lupa na yun kung ba't ako nakapagbihis," saad ko.
Agad namang nanlaki ang mata ko nang marealized na nagtatrabaho nga pala ako! Kaka'chismis mo yan Leandra! Agad ko namang binalik ang may kagat na mansanas sa lalagyanan tsaka nagpaalam kay Kitty.
"Diyan kana muna! Bye,"
Nagmamadali akong pumunta sa swimming pool pero namataan kong wala na palang tao ron. Pumunta ako sa sala ngunit wala rin namang tao roon, kaya naisipan kong umakyat at dumiretso sa kwarto ni Nica pero pagbukas ko don ay wala ring tao! Ampota.
Ayaw ko mang kumatok at magkaroon ng inter'aksyon sa kumag na iyon ay kailangan parin kaya lunok muna tayo ng sabon ngayon.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas iyon. Tumambad sa akin ang kanyang katawan na walang saplot pang-itaas at naka shorts na siya ngayon at suot-suot ang tsinelas niyang Nike. Wala ba itong damit pang-itaas? Sandamakmak pera nila pero pambili ng man lang ng t-shirt wala?
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Dla nastolatkówWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)