Smile
*
"Ate! Masarap ka magluto ng Adobo, diba?" nagulat ako sa presensya ni Nica.
"Ha? Nagluto naba ako non?" pagtataka ko.
Napairap nama siya. "The other night ata yun eh,"
Nasa meat section kami ngayon at namimili ng mga karne, malamang. Magpapaluto ng Sinigang si Nica kay Manang Melda, paborito daw yun ng Mommy at Daddy niya eh. Sana all couple goals. Choz.
Ako ang pinapili niya ng karne dahil wala naman daw siyang alam sa mga ganon, tong batang to talaga.
"Madalali mo lang naman tong malalaman kung anong fresh o hindi," sabay lagay ko ng chicken na napili ko sa cart niya.
"Basta alam ko, they're all chicken," she chuckled. "Oh, kuya! Did you bought some ingredients for your bake spag?"
Pinakita naman ni Nathan sa kapatid niya ang iilang ingredients bago ito nilagay sa cart.
"Buti nalang we don't have class ngayon. May time ako na mag ganito," aniya.
"Every year ba kayong nag ce'celebrate ng ganito?" pagchika ko.
"Oo naman! Kaso ngayon lang ulit nakisabay si Kuya," pagbulong niya.
Tumango naman ako naman ako at namataan na si Nathan na namimili ng sauce para sa gagawin niya.
Abala naman si Nica sa pag iikot-ikot para sa mga ibang bibilhin niya pa, ako naman panay parin ang linga-linga.
May napansin akong pamilyar na babae sa kabilang section. Likod pa lang kilalang-kilala ko na! Kaya naman sinundan ko siya sa kabilang section. Sa may chocolates malapit.
"Kyla!"
Gulat siyang napatingin sa akin at niyakap ako.
"Hey! What are you doing here?"
"Sinama ako ni Nica. Ikaw? Sinong kasama mo?" paglingon ko sa likod niya saktong nagpakita si Jayzee na may hawak na iba't-ibang chips.
"Aha! Nag de'date kayo?"
"Leandra, wazzap!" pagbati ni Jayzee.
"No! Nag ano.. uhm..n-nagkita lang kami dito!" defensive na tugon ni Kyla.
"Ayos lang yan Ky. Hindi naman ako judgemental," I smirked.
"Sinong kasama mo? Nakita ko si Nathan don sa kabila ah?" saad ni Jayzee.
"Ah! Oo, kasama rin naman namin si NIca,"
"Asus!" pang-aasar niya. "Oh, ayan na pala siya,"
Napalingon naman ako sa likod ko at namataan siya na naglalakad papunta sa gawi ko at nakalagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pants niya. Teka hindi ako marupok noh! Grabe ang gwapo nga.
"Your girlfriend? Parang iba kasama mo nung nakaraan ah," he chuckled, halatang nag-aasar kay Jayzee.
"Fuck you, bro!" aniya sabay hawak sa bewang ni Kyla.
Agad namang hinawi ni Kyla ang kamay ni Jayzee at nagkunwaring namimili.
"Kupal kaba," bulong ko.
"Kidding, sana magtagal kayo," natatawa parin si Nathan. "If you have time, visit tomorrow. anniversary nila Mommy," pambawi niya.
"Tignan ko schedule namin," sabay lingon niya kay Kyla na wala paring pakealam ngayon.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Fiksyen RemajaWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)