Batangas Day 3
*
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa habang mariin naman ang kanilang titigan.
"Teka, teka. Anong ginagawa niyo?" saad ko.
Napaiwas naman ng tingin si Jayzee habang si Nathan naman ay nakatingin parin sa akin.
"Hindi ako sasama, okay? Malulunod ako. Kayo nalang,"
Napasinghap si Nathan at naglakwatsa papuntang dagat, sinundan naman namin siya ng tingin ni Jayzee.
"Come on, Leandra. Bago kita ipatanggal sa trabaho," huminto siya at nilingon ako.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya?! Teka! Ano ba to! Wala bang choices?! Ang unfair! Punyeta ka talaga satanas.
Hindi ko alam kung anong kutong lupa ang sumapi sa akin at agad naman akong napatakbo sa kinaroroonan niya.
"Seryoso sir? Hindi joke? Hindi prank?" pagbabakasakali ko.
"Mukha ba akong nagbibiro?" mariin niyang tugon sabay angkas sa Jet ski.
Nilingon ko si Jayzee at nagbabakasakaling tulungan niya ako ngunit ang isa pang gago ay natawa sabay takbo ng marahan patungo sa Jet ski niya.
Wala na akong ginawa naglakwatsa na ako palapit sa dagat bago sumampa at sumakay rito.
Sana naman kapag nawala ako ngayon, siya na bahala sa buong pamilya ko grr.
Inabot niya sa akin life vest at sinuot ko naman iyon. Namataan ko naman si Kitty at Mikoy na nasa malayong parte na ng dagat at masayang in'enjoy ang pag Je'Jet Ski. Wow sana all ganyan.
Sabihin niyo nga, bakit ko nga ulit ginawa to? Bakit nga ulit ako nakaangkas rito? Aish!
Si Jayzee naman ay nasa malapit na nina Kitty at Mikoy. Mag-isa. Dapat pala pumayag nalang talaga ako na kay Jayzee ako aangkas eh.
"Pag nahulog po ako ikaw na po bahala sa pamilya ko ah," biro ko pagkatapos kong ikabit ang life vest ko.
Bahagya nyang kinuha ang dalawang kamay ko para ipulupot iyon sa bewang niya. "Kumapit ka para hindi ka mahulog," aniya sabay andar ng Jet Ski.
Napapikit ako dahil sa lahat ng bagay, malalalim na katubigan ang kinakatakutan ko. Bakit ba kasi ako pumasok sa kagagahan na'to eh.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tsaka palang nag sink-in sa akin na nakayakap ako sakanya! Hala! Mahigpit ang yakap ko at naramdaman ko kaagad na oo na at may abs nga siya! Hindi ako ang nag insist na humawak ako sakanya ah. Siya lang yon.
"You're holding me to tight," aniya.
Hindi ko naman masyadong narinig ang boses niya dahil sa tubig. Inilibot ko ng bahagya ang paningin ko at nakita ko sina Mikoy, Kitty at Jayzee na naghahabulan gamit ang kanilang Jet Ski. Aba! Mga traydor! Nagkakasiyahan pa, habang ako dito hindi alam kung mabubuhay pa.
Mabilis ang naging pangyayari dahil hindi naman talaga ako nag enjoy. Pagkarating namin sa tabing dagat ay hinihingal at nakakaramdam ako ng lamig, kaya ako ng dagat-dagat na yan eh. Namataan kong wala na si Nathan sa tabi ko kay naman inangat ko ang paningin ko at namataan ang tatlo na nagkakasiyahan.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Novela JuvenilWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)