Leo
*
Unti-unti kong imunulat ang aking mga mata, puting liwanag kaagad angnakasalubong ng aking magagandang mata. Charot! Napansin ko agad ang puting paligid. Medyo blurry pa ang paningin ko kaya medyo naniningkit pa ang aking mga mata nang imulat ko ito. Teka, nasaan ako? Bakit puti ang lahat ng nasa paligid ko. Kinuha naba ako ni Lord? O kukunin palang?
"Leandra.." isang malamyos na tinig ang narinig ko.
Tinapik niya ng bahagya ang pisnge ko dahilan ng pagbuklat ko ng mga mata ko ng buo. Sino siya? Kilala ko ba siya? Bahagyang sumakit ang ulo ko dahilan ng paghawak ko rito.
Bumaling ako sa babae na nasa harap ko at punong-puno ang kaniyang mga mata ng pag-aalala. May lalaki sa kanyang likod na mas matangkad sakanya. Boyfriend niya ata.
"Sino ka.." malamyos kong tugon.
Nakitaan ko ng pagkagulat ang kaniyang mga mata.
"Leandra.. ako to. Si Kitty," aniya.
Kitty? Siya ba'y isang pusa?
"Ako. Si. Kitty. Ako si Kitty!" dahan-dahan niyang paliwanag.
Namataan ko mula sakanyang likod ang isang lalaki yung lalaking boyfriend niya. Papalapit na sa amin ngayon.
"Mikoy, Leandra.." sabay turo niya sa sarili niya. "Si Mikoy! Gwapo mong kaibigan,"
Nagtataka naman akong tumitig sa kanila.
"Sino ba kayo.." nanghihina kong tugon.
Nagkatinginan sila bago bumaling sa akin.
"Leandra.. mga kaibigan mo kami," paliwanag ng babae.
"Huh.. wala akong mga kaibigan na hindi umaamin ng nararamdaman sa isa't-isa," sabay hagalpak ko ng tawa.
Kinunot nila ang kanilang mga kilay at agad napasinghap ng malalim. Pwede naba ako maging artista? Ganon kase yung mga nakikita ko sa telenovela eh. Masasagasaan ang bida tapos dadalhin sa ospital na may maraming prutas sa gilid tapos unti-unti niya imumulat ang mga mata niya tapos aarte na parang nagka amnesia. Pwede na yung acting ko na yon! Hah! Mag-aartista na ako.
Padabog na binagsak ni Kitty ang hawak niyang tuwalya.
"Hindi nakakatuwa," pagsimangot niya.
Halatang hindi niya nagustuhan yung prank ko ah. Si Mikoy naman nakatingin lamang sa amin.
"Ampota, Leandra Maligaya," aniya.
Padabog naman na inayos ni Kitty ang mga pagkain ko sa gilid. Nakonsensya tuloy ako.
"Kitty! Huy! Sorry na, joke lang naman yun,"
Hindi siya kumibo at nagpatuloy sa ginagawa. Tiningnan niya lang ako at inirapan ng bahagya. Patay, nagalit nga talaga siya.
Nanatili naman si Mikoy sa harapan ko. Nakangiting nang-aasar ang kupal. Oo na't kasalanan ko na.
"Ayan, masyado ka kasing magaling na artista, kaya ayan ang napapala mo," aniya habang natatawa parin.
Napabaling ako sakanya with my not so puppy eyes, nagbabakasakaling tulungan niya ako.
"Mikoy, magkakaibigan naman tayo rito. Tulungan mo naman ako na wag na magtampo si Kitty,"
Napatayo siya ng maayos. Inayos niya ang buhok niya ng bahagya at napaubo ng konti.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...