Leave
*
Tatlong oras mahigit rin ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap namin na yun ni Nathan, kahit nga ako hindi makapaniwala na nasabi ko yun eh. Feeling may jowa. May jowa ba ako sismarz? Choz. Wala naman na siyang sinabi na kahit ano sa akin, patuloy pa rin naman siyang nakikipag-interact sa mga tao rito. Mahirap na, akala ko pa naman nagtanim nanaman ng sama ng loob yun.
"Ang aga mong nagising girl!" paghikab ni Kitty sa harapan ko.
Alas otso na ng umaga at tirik na tirik na ang araw at ngayon pa lang nagising si Kitty.
"Maligo kana, sasama ka raw kay ate Mina na mag go'grocery,"
"Ha? Isasama raw ako?! Ay, teka maliligo n ako," aniya sabay kumaripas ng takbo papasok sa banyo.
Habang nagtitimpla ako ng kape rito sa kusina namin sa maid's quarter, hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang naging pag-uusap namin ni Nathan kanina. Ano nga ulit yung mga pinagsasabi ko? Ang naalala ko lang, sinabihan ko siya ng gago. Ampota, sinabihan ko nga wala siya ng ganon? Napasapo naman ako sa noo ko. Katangahan nanaman Leandra, umiiral nanaman.
Buti nalang at walang duty ngayon si ma'am Norma at mamayang gabi pa. Kailan nga ulit ang alis nila? Kinakabahan na tuloy ako dahil baka mawalan na ako ng trabaho. Hala, Lord hindi po pwede, may sakit pa po si Leo.
Sumagi na rin naman si Leo sa isip ko, tinawagan ko si Mamshi dahil ang sabi ko ngayon ako dadalaw. Hindi ko pa naman nasabi kina Ma'am.
*Nak, kamusta? Pupunta kaba rito?* bungad niya.
Napabuntong hininga naman ako, "Hindi pa po ako nakapagpaalam Ma,"
*Ganon ba? Basta't mag-iingat ka ha?*
Konting kamustahan lang ang pinag-usapan namin ni Mamshi nang napagdesiyunan kong magpaalam kay Ma'am at mamayang hapon na ako babalik.
Inubos ko ang aking kape at agad na lumabas ng maid's quarter. Saktong paglabas ko ay namataan ko si Nica at Gab na nagpapaalam na sa isa't isa.
"See you tomorrow, Gab!" ani Nica.
Nagbeso sila bago tuluyang sumakay si Gab sa kotse nila. Nakita ako ni Nica at wi'nave niya ang kaniyang kamay sa akin at ganon naman ako. Pumasok siya sa bahay nila habang ako, nakatayo lamang ron dahil napansin kong nanghihina si Sugar sa gilid. Nakahiga siya sa gilid ng gumamela na bulaklak.
Nilapitan ko siya at hinimas ang ulo niya. "Ayos ka lang ba? Kumain kaba ngayong umaga?"
Tiningnan ko ang ang kainan niya at may laman naman iyon pero hindi nabawasan.
"Okay ka naman kagabi? Gusto mo, timplahan nalang kita ng gatas?"
Tumayo ako at nagtungo sa kusina at kinuhaan ang gatas ni Nico at tinimpla iyon. Habang mini'mix ko ang gatas ay nakita ko si Nathan na papalapit sa kusina.
Kinabahan naman tuloy ako bigla. Ano ba naman to uy!
"Mornin," aniya.
Napatigil naman ako sa ginagawa ko at tumingin sa paligid. Kinakausap niya ba ako? Like hindi ba siya galit or what? Sa dami ba naman ng pinagsasabi ko kanina! Geez.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)