Friends
*
Lumabas siya at kinuha ko naman ang maayos na nakatuping t-shirt na nasa backseat at dali-daling sinuot yun sa sarili ko, masyadong malaki sa akin dahil alam niyo na, sexy ang katawan ko at malaki ang katawan niya kay nagmistula siyang oversized shirt para sa akin.
Maya-maya ay pumasok na rin siya sa loob at maingat na tinupi ang payong.
"Feeling better now?" aniya sabay paandaar ng sasakyan.
Tumango naman ako at hindi na nagsalita. Tahimik lang kami naman kami habang umaandar ang sasakyan kaya itinuon ko ang paningin ko sa window. Malakas parin ang ulan kahit na hating-gabi na.
"Saan ka ba galing?" pagbasag niya sa katahimikan.
Nagulat naman ako kay dahan-dahan ko siyang nilingon. "Diyan lang, may dinalaw. Wag ka mag alala sir, nagpaalam po ako sa Mommy mo,"
"Tsk. Drop the formalities," masungit niyang tugon.
Tumango naman ako. "Okay.." sabay yuko ko.
Maya-maya ay tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang convience store.
"Samahan mo'ko," aniya at lumabas.
Nagtataka naman ako kaya kahit umaambon sa labas ay tinakbo ko iyon para makapasok sa convience store.
Pagpasok ko ay nasa counter na siya nagbabayad habang may dala na kape sa magkabila niyang kamay.
Naupo naman ako sa may bakanteng mesa dahil wala naman masyadong tao rito, yung iba ay mga nagtatrabaho pa sa hospita kung nasaan si Leo.
"Inumin mo'to para hindi ka masyadong lamigin," aniya sabay naupo sa tapat.
"Salamat,"
Tahimik ulit at mukhang awkward dahil bakit ba kapag siya na ang nasa harapan ko nawawalan na ng sasabihin ang bunganga ko? Masyado pa naman akong madaldal kapag sa ibang tao kahit na hindi ko ka'close, pero kapag siya na ang nasa harap ko, napipi ata ako eh. Gusto ko sanang tanungin kung anong ginagawa niya sa labas sa ganitong oras?
"Ginabi po ata kayo ng uwi Sir?" saad ko ng hindi ko na mapigilan.
Malamig niya akong tiningnan. "I've been to a club with friends,"
"Party po? Mga ganon?"
Tumango naman siya at wala pa ring ekspresyon ang mukha niya.
"Ang saya naman,"
Kinunot naman niya ang noo niya na para bang galit na nagtataka ay ewan.
"Ay, ang ibig ko pong sabihin, masaya po kapag nakakasama niyo sa ganiyan ang mga kaibigan niyo,"
"You don't have friends?" aniya at nakatuon na ang buong atensyon niya sa akin ngayon.
"Meron noh! Kaso hindi ko masyadong nakakasama, nasa probinsya sila eh," pagkibit balita ko.
"You should study instead of working," saad niya.
"Kaya nga po ako nagta'trabaho para makapag-aral," pagtawa ko.
Tumango naman siya na para bang may gusto pa siyang i'tanong pero pinipigilan niya. Hinigop ko ang kape ko ng biglang mag vibrate ang cellphone ko, kinuha ko iyon at nakitang may messenge si Kyla roon.
Kyla:
Where are you? Nasa hospital kami now. Sabi ni Tita nag commute ka. Mygosh Leandra.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)