Date?
*
"What happened?" nag-aalalang tanong ni Chef Alexa.
Hindi agad ako makahanap ng mga salita dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang tunay na nangyari o pipiliin ko nalang na manahimik.
"Uh- ma'am.. pasensya na po. Hindi po talaga ako nag-iingat," nakayuko kong saad.
Napabuntong hininga naman siya habang nakahawak sakanyang sentido. She must be very disappointed sa nagawa ko.
"Next time be very careful na, okay? I'm not mad naman. I'm just here to remind and guide you sa lahat ng costumers,"
Huminga ako ng malalim at tumango. "Pasensya na po talaga.."
"Okay. You can go back now,"
Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa sinabi niya. Huh? Hindi pa ako mawawalan ng trabaho?
"Hindi niyo po ako sisisantehin?"
"Why would I? It's just a one mistake anyway," she chuckled.
Dahan-dahan naman akong napatango. Malayo sa lahat ng pinag-iisip ko kanina.
"Leandra, it doesn't mean na nagkamali ka, hindi ka na pwedeng bigyan ng ikalawang pagkakataon. One mistake doesn't define who you are," she smiled. "There's always a room for improvement,"
"Pasensya na po at thank you po talaga.."
I excused myself at napabuntong hininga nang makalabas sa office ni Chef Alex. Kinabahan ako roon.
Pag-angat ko ng tingin ko ay wala na sila Atria at ang kaniyang Mommy ganun rin si Kiko at ang mga kaibigan ni Atria. Inilibot ko ang tingin ko at parang wala namang nangyaring kahit ano kanina.
"Baka naiinggit sayo kase maganda ka," bulong ni Anne sa gilid ko.
"Huh? Sino?"
"Si Miss Atria," she chuckled. "Hayaan mo na yun. Ganiyan rin siya sa akin dati kaya hindi ako lumalapit sa kanya kaya si Jack ang pinapalalit namin,"
I smiled at nagpatuloy na lang sa pagtatrabaho.
Hindi naman siguro. Maybe she's having a bad day kaya niya nagawa yon. Hindi naman iyon big deal sa akin kaya ayos lang. It's my fault anyway, hindi nag-iingat.
Magtatanggal na sana ako ng apron nang mag break time kami kaso biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.
Kiko:
Pasensya na hindi nakapagpaalam may pasok pa kasi ako. Ayos ka lang?
Bakit naman siya magpapaalam sa akin?
Ako:
Ayos lang naman.
"Leandra! May lunch kana ba? Sabay tayo," ani Zoey paglabas niya sa kitchen.
"Uh, nagbaon lang ng rice. Bibili lang ng ulam sa labas,"
"Sabay na tayo! May kilala akong karenderya na masarap ang mga luto sa labas," she smiled.
Nagpaalam muna kami kay Miss Maggie bago kami nagtungo ni Zoey sa labas.
"Ay, ang init!"
Buti nalang ay malapit lang din naman sa cafè ang karenderya na sinasabi niya kaya agad rin naman kami nakarating roon.
Pagpasok pa lang namin ay agad na akong nagutom sa paglanghap ko pa lang ng mga niluluto nila.
"Hello Miss Zoey!" bati ng babae sa counter.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...