Chapter 7

69 13 0
                                    

Life Saver

*

I can still feel my heart beat up until now. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung nangyari last week! It's been a week! And it still stuck in my mind! Ang sarap-sarap na talaga magpakain sa lupa kung alam niyo lang.

"You're not forgiven,"

Hindi ko inabala ang sinabi niya. Mas inabala ko ang nararamdaman ko ngayon! Konti nalang mahihimatay na ako.

Umatras ako kahit wala na akong maatrasan dahil nasa likod ko na ang sink.

"Do I really need to repeat it?" napapaos niyang tugon.

Lumayo siya ng kaonti and then he crossed his arms.

Nakahinga ako ng maluwag roon, kanina pa pala ako hindi makahinga! Ang galing!

"O-Opo, sabi k-ko nga po,"

"Damn that 'po,'" bulong niya sabay lakwatsa paalis ng kusina.

Naiwan nanaman ako roon na tulala at hindi maproseso ang nangyari. Bwisit ka talaga satanas!

Sa mga sumunod na araw ay yun parin ang laman ng isip ko kaya naman sa tuwing nakakasubong ko yung kupalerz na yon ay agad akong umiiwas o di kaya hahanap ng rason para lang hindi siya maharap. Me is not forgiven daw eh. Charot! I am not forgiven daw. Neknek niya talaga.

Kaya naman nang hindi ko na napigilan ang pag-iisip non ay sinabi ko na rin kay Kitty. Nangako rin kasi ako rito na kapag may bumabagabag sa akin ay dapat magkwento raw ako sakanya.

"Ano?! Ginawa niya yon?"

Tumango ako.

"Sana all,"

"Ugh! Di ka naman nakakatulong eh,"

She chuckled.

"Eh, anong gusto mong gawin ko? Tulungan ka na suyu'in yon? Nako, I'm out,"

"Hindi noh! Hari ba siya rito?"

"Hindi pero prinsipe,"

"Basta, atin-atin lang to ah? Wag na wag kang magkukwento sa iba, lalo na kay Mikoy,"

"Mikoy? Hindi kami close non,"

"Asus, kunwari kapa. Type mo naman si Mikoy," tukso ko.

"Kadiri ka naman!"

Sinunod nga ni Kitty ang usapan namin na kami lang muna ang nakakaalam non. Sa buong linggo yun lang ang nasa isip ko. Nakalagitnaan ko na ang ibang nangyayari sa paligid.

*

"Hoy! Bakit ka tulala dyan?"

Nagulat nanaman ako sa presensya ni Kitty, kaya naman napabalik ako sa ulirat at napakurapkurap na bumaling sakanya. Nandito kami ngayon sa garden nanaman at nakahawak ako sa hose. Wala ata trabaho si Ma'am Norma ngayon kaya dito na muna ako.

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon