Chapter 31

65 2 1
                                        

Lies

(long chap)

*

Lumabas ako ng hindi hinintay ang reply ni Mamshi. Agad akong nagtungo sa tabi ni Kyla.

"Kumain ka na?"

Tumango naman siya sa akin. Tumayo ako saglit para magtimpla ng gatas para sa kanya. Namataan ko naman na hinalikan ni Jayzee ang noo ni Kyla. Namamaalam na siguro.

"See you tomorrow," aniya kay Kyla. "Leandra una na ako,"

Binigay ko naman ang tinimpla kong gatas kay Kyla. She look so helpless. Bakit ba hindi nagsasabi tong isang to sa akin at ng matulungan ko?

"Inaantok ka na ba? Matulog ka na, ako na ang gagawa nitong research mo," I smiled.

Umiling siya. "I'll help you parin,"

Napabaling naman ako sa laptop niya at tiningnan kung paano iyon gagawin at agad ko namang na gets ng konti.

"You care for him, Leandra?"

Kinunot ko ang noo ko nang mapabaling ako sa kaibigan. Ha? Kanino?

She smiled. "Even if hindi mo sabihin. Alam ko. Do you like Jayzee's cousin?"

Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Hindi ako masyadong vocal kay Kyla at isa mga pinagsisisihan ko dahil siya, masyadong siyang ma'kwento sa mga bagay-bagay na kahit ultimong maliliit na detalye, sinasabi niya sa akin. Ako hindi.

Yumuko naman ako dahil hindi alam ang sadabihin. I know that she knew what's the answer to her question.

"You do?" she chuckled at biglang nagseryoso. "He's not here in the Philippines. Nasa amerika na with.. Maika,"

I can see the bitterness smile plastered on Kyla's face.

Wala.. wala siya dito? Kailan pa? A sudden hurt crept into my nerves. Ang bigat sa pakiramdam pero hindi ko alam kung bakit. Is he really affected?

"Last last week lang. I'm sorry hindi ko agad nasabi. Last day lang din nasabi ni Jayzee," she said in an apologetic smile.

I chuckled para maibsan ang nararamdaman. "Ayos lang Ky. Nag-aalala lang dahil panigurado ako ang rason kung bakit siya umalis. Naaapektuhan pa rin siguro siya,"

"Hey.. it was a year ago at hindi mo kasalanan iyon. It was an accident,"

Tumango ako. Ayaw ng dagdagan ang pag-uusap namin ni Kyla dahil alam kong mas lalo lang akong masasaktan. Bakit nga ba ako nasasaktan? Sabing move-on na Leandra! Tigas talaga ng apog mo.

We did her research together at quarter to eleven o eleven thirty na ata kami natapos.

"Nawala antok ko ah. Thank you, Philomena! Teka, midnight snacks tayo,"

Tumango naman ako at naupo sa sala para i'on ang tv at manonuod nalang ako habang naghihintay kay Kyla. I sighed. Nagkabalikan nga siguro. Mag-iisang taon na rin naman ang lumipas at imposibleng walang namagitan sa kanila sa loob ng mga buwan na iyon.

"You should rest, love. Thanks for today,"

Tumayo ako tumungo sa kusina kung saan nagluluto si Kyla ng fries habang ka videocall si Jayzee. Ang magjowang to! Gabing-gabi na, jusme!

"Wazzap, Jayzee! Sana all late nigh talks," pang-aasar ko.

"Nako pag narinig ka nung isa baka uwian ka non,"

"You're being so noisy again!"

Napabaling ako sa dalawa at hinarap si Jayzee sa phone. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil kumuha ako ng tubig. He's whispering something!

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon