Kiko
*Kumalas siya sa yakap. I calm myself and looked away. Kinalma ko na ang sarili ko dahil pakiramdam ko, magkakasakit na ako ngayon.
"Umuwi na tayo. I will try to restart my car again. Damn, Jayzee for using my BMW today. That fucker," bulong niya.
Pagod sa lahat ng nangyari, umakyat pa rin ako sa kotse niya. Tahimik at walang salitang lumalabas sa bibig ko.
Ayokong magsinungaling sa sarili ko pero pakiramdam ko, wala na ang bigat na nararamdaman ko na matagal ko ng bitbit. I feel so free. Malayo ito sa inaasahan kong mangyari because I expected more. Akala ko, he will get really mad at me kapag nagkita at nagkausap kami and not even in my wildest dream hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya kanina.
I'm too tired of everything. I had enough for today so I decided to close my eyes at unti-unting nakatulog. Sana kapag nagising ako, I'll be that same Leandra again. The happy go lucky teenager.. pero mukhang malabo na nga iyong mangyari.
"Hey.. Philomena. Wake-up,"
Iminulat ko ang mga mata ko at namataan si Kyla sa harapan ko. Wala pa ako sa ulirat! Ilang oras ba akong nakatulog? O baka minuto lang?
Namataan ko rin na nasa ibang sasakyan na ako. It was her car at nakapark na sa parking ng unit niya. Teka, paano?
"Baba na tayo. Magbihis ka na, magkakasakit ka niyan,"
Hindi na ako nagsalita dahil nilalamig na nga ang buong katawan ko. Pagdating namin sa loob ng unit ni Kyla ay napapagod ang katawan kong naupo sa sofa niya. Hindi naman naka'on ang aircon dito pero sobrang nanlalamig ako.
"Take a warm bath tapos magbihis ka. I have my clothes inside," she smiled habang nagtatanggal ng sapatos niya.
Kinunot ko ang noo ko habang pinagmamasdan ang kaibigan. Anong nangyari kanina? Matagal ba akong nakatulog? Si Nathan nasaan?
"Magpahinga ka na pagkatapos, bukas na ako magku'kwento," she said na para bang alam kung anong iniisip ko ngayon.
I nod at dumiretso na sa shower room niya. It's been awhile since the last time I visited her unit, ngayon pa lang ulit. I close my eyes as I turned on the shower. Nanlalamig ako kanina pero mas naging maayos ang pakiramdam ko sa paglapat ng mainit na tubig sa katawan ko.
"Walang bago, ikaw parin ang gusto ko,"
Ang boses niyang humihikbi at ang mukha niyang nakabaon sa aking balikat ang laman ng isipan ko ngayon. Is that even possible? He was mad at me. No! He is, pero bakit iba ang mga pinagsasabi niya kanina? Speed ganon? Paano kung isa lang naman pala iyon sa mga pakulo niya?
"I will never let myself lost in your arms again."
It was my decision to leave before dahil hindi ko kakayanin na may taong na'aagrabyado ng dahil sa akin. He told me that he likes me before at naalala ko pa hanggang ngayon ang sinabi kong wag niya akong gugustuhin. I have reasons why I said that before, hindi kami magkapantay kaya dapat kong pigilan ang sarili kong mahulog pa sakanya lalo. Binawi niya rin naman ang sinabi niya nung naaksidente ang kapatid niya at naging malinaw sa akin ang lahat na mas mahal niya nga si Maika.
They deserved that kind of love at wala akong balak na manira. Even if you love that person kung may mahal naman siyang iba, wala kang magagawa kundi ilayo ang sarili mo sa kanila. Funny that I am thinking about these things ni'hindi ko naman alam kung ano ba kami dati?
"Give me another chance to prove myself,"
Did he proved himself before? What if he did? Do I have another choice to give him a chance again? Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko bago napagdesisyonan na lumabas ng shower room. Agad naman akong nagtungo sa kwarto ko rito dati at may mga damit na nga roon na nakalagay sa kama ko. I knew it was from Kyla's closet. Sinuot ko iyon bago nahiga sa kama. I still have classes tomorrow, pero pakiramdam ko pagod na pagod ako sa lahat ng nangyari ngayong araw.

BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Fiksi RemajaWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...