Chapter 34

40 2 2
                                    

Unexpected

*

"Leandra! Omg! Ang ganda mo dito sa first post mo sa Instagram ah!"

Kakauwi ko lang galing Probinsya kahapon dahil sumama ako sa Moving Up ni Joaquin at Recognition naman ni Leo. Pagkatapos kasi ng bagong taon ay agad rin naman akong umuwi sa syudad dahil may pasok pa ako.

In the middle of the month of February, my Mom decided to tell me na sakanya na ako tumira. Sumang-ayon naman din ako dahil doon rin naman ako papunta. Pero bago ako nag desisyon ng ganon, nagpaalam muna ako kina Mamshi at Paps tungkol don. Ayos lang naman sa kanila.

"Patingin?" I chuckled.

"Ito oh! Saan to? Sa school ng mga kapatid mo?"

Iilan lamang ang costumer ngayon dahil medyo maaga pa naman kaya nagkaroon ng konting oras si Zoey na makapagcellphone. Napagalitan pa nga ni Miss Maggie kanina pero dahil makulit nga talaga si Zoey. Wala na rin siyang nagawa.

I am now a full-time waitress sa café ni Chef Alexa dahil summer na rin naman at wala na akong pasok. Zoey as well na full-time na tumutulong mag bake rito.

It was my solo photo wearing a white dress and smiling a bit in front of my High School Alma Mater.

"Ay! Hindi naman," I humbly said.

I made an Instagram account last month at ngayon pa lang naisipan na mag post dahil ngayon lang nagkaroon ng matinong picture. Marami naman akong picture sa gallery dahil bago ang phone ko pero hindi rin ako makapili ng matinong litrato.

"Asus! Mag post ka ng marami girl! Magkakajowa ka na nyan," she laughed. "Wag mo i'private account mo ah,"

"Zoey! Impluwensya ka talaga eh,"

"Hindi naman Miss Mags! Nagsasabi lang," makulit na saad ni Zoey.

"Sige Zoey, hindi ako mag p'private ng account. Sure ka na nyan?" I joked.

Agad naman kaming napatigil sa pagku'kwentuhan dahil may mga costumers na dumating. They're wearing their training casual attire. It was the the group of Elias Salazar. I panicked a bit not because of something but because they are my schoolmates!

"Pasok ka na sa kitchen," bulong ni Miss Mags kay Zoey.

Zoey just nod. Inayos ko naman ang sarili ko dahil ako ang naatasan na magbigay ng menu at kunin ang order nila. Busy kasi si Anne at Jack sa iba pang mga costumers kaya..

"Good morning! May I take your order, please?"

Gulantang na napatingin ang grupo sa akin na para bang hindi nila inaasahan na makita ako rito ngayon. I expected that though. They are from the rich family. Ako hindi. Kaya lang naman ako nakapasok sa university nila because of my scholarship.

"Crush mo bro,"

"Leandra! Woah, nandito ka pala,"

"Uh-"

"I'll be at the counter, tawagin niyo nalang kapag may order na kayo,"

I don't want to be rude though but I can sense that they are not comfortable by my presence kaya naglakawatsa ako papuntang counter at roon naghintay.

"Kakilala mo sila?"

Napahawak ako sa dibdib ko sabay baling kay Anne na nasa gilid ko na pala. Wala man lang signal tong isang to.

"Uhm, schoolmates."

Tumango naman si Anne. "Sus! Dito na naman siguro yan sila manggugulo kasi crush ka ng isa sa kanila. Mukha lang yang mababait pero hindi mapagkakatiwalaan. Mga manloloko,"

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon