Together
(medyo long)
*
"Hoy! Wala tayo sa gag show ah! Umayos ka jan," natatawa kong saad.
"Hindi nga ako nagbibiro, Philomena." mas seryoso niyang saad.
Iniliko niya sa shortcut ang sasakyan at nawala naman ang ngiti ko.
"Wag mo na ngang isipin iyon! Baka nagugutom lang ako," he laughed.
Tumango naman ako at sinabayan siya sa kalokohan. I know he's just trying to lift up the mood para hindi ako makaramdam ng pagka'awkward. He's always been like that kaya kapag hindi mo siya masyadong kilala, aakalain mo na lahat ng sinasabi niya ay biro.
I don't want to assume things. Alam kong seryoso siya roon sa sinabi niya kanina. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil.. hindi naman ako nagpaligaw buong buhay ko. Reject agad dahil sa mga kapatid at kay Paps na rin. That was a long time ago! High School pa ako non eh.
"Ang bango ng chicken! Pero magkakape lang ako," biro ko pagpasok namin sa isang fast food.
"Mag ka'kanin ako. Bawal mainggit ah,"
"Diet ako!" utas ko naman.
"Ang payat-payat mo na nga eh,"
Inirapan ko siya bago kami naupo sa pandalawahang upuan. Siya na rin ang nag volunteer na um'order kaya naiwan ako roon na mag-isa. Wala naman akong masydong notifications roon pero may iilang text mula sa mga magulang ko.
Mamshi:
Nasa school silang tatlo nak. Nasa parlor naman ako ngayon. Kamusta unang araw mo?
Nagdadalawang isip akong nagtipa ng reply kung sasabihin ko ba kay Mamshi na..
Ako:
Ma, schoolmates po kami ni Nathan..
Erase! Erase!
Ako:
Ma, okay lang sana kung hindi kami schoolmates ni sir Nathan..
Bura Leandra.
Ako:
Ayos lang po ma. Ingat kayo lagi.
"Nag-order na ako ng burger para sayo. Baka mainggit ka sa akin eh,"
Napaangat ako ng tingin kay Kiko na dahan-dahang inilapag ang tray na may mga pagkain. May one piece chicken nga roon at kape na may burger sa side.
Kinunot ko ang noo ko sakanya. Diet nga eh.
"Nag d'diet nga ako,"
"Hindi na naman kailangan. Wala ka namang laman," he chuckled.
Inirapan ko siya dahil nagsisimula na naman siyang mang-asar. Iwinala ko muna lahat ng nasa isip ko at napabuntong hiningang humarap sa madaldal na si Kiko sa harapan ko. He's fun to be with but there's something that makes me wonder of so many what if's. He's a good guy, he can make me so comfortable in all ways. The more that I stare at him right now while he's talking about how's his day makes me think of what he said earlier. If he's really serious about that.. hindi ko alam.
"Tapos akala ko quiz kaagad kami kanina pero- nakikinig ka ba?"
Napaangat ako ng tingin at napabalik sa ulirat dahil sakanya. Masyado nga ata akong naging abala sa mga bagay na hindi ko alam ang magiging posibilidad na mangayri. I smiled at him bago tumango.
He talks too much at nandoon lamang ako para pakinggan siya, kaya naman ng matapos ay agad niya rin naman akong hinatid sa bahay. It was quarter to six in the evening nang makarating kami sa bahay.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)