Sick
*
Kinunot ko ang noo ko. Bakit siya nag so'sorry?
"Sir?"
Agad naman niyang iniwas ang tingin niya.
"Nothing," aniya sabay alis sa harap ko.
May saltik ba siya? Sana naman wala, baka madagdagan nanaman mga may saltik sa bahay eh. Tama na sina Kitty at Mikoy.
Napabuntong hininga ako bago bumalik sa upuan ko. Namataan ko naman na nasa tabi ko na ulit si Kyla.
"Girl, you didn't tell me na here ka pala nagta'trabaho," aniya.
Napabaling naman ako sakanya. Chikadora nanaman.
"Boyfriend mo ba si Jayzee?" panliliit ko ng mata sakanya.
Nanlaki naman ang mga mata niya sabay iwas ng tingin. "Huh? No pa. I mean hindi noh! Hindi ko siya boyfriend,"
"Defensive ka naman," tukso ko.
Napabaling ulit siya sa akin at parang tinatantya ang ang mukha ko. "Umiyak kaba? Bakit?"
Umiling ako. Ayoko naman na pati si Kyla ay mamroblema sa problema ko.
"Nagsisinungaling ka sa akin. Bakit ka umiyak?"
Luminga-linga naman ako sa paligid. Maingay at nagkakasiyahan ang lahat, sana ganyan lang kadali ang lahat. Sana madali lang rin sa akin na magpanggap na ayos lang.
"Ayaw mo ba na dito tayo mag-usap? Hanap tayo ng tahimik na place? Doon oh," aniya sabay turo sa mga bahay na maliliit. Yung nakita ko nung nakaraan.
Tumango naman kami tsaka dahan-dahan na tumungo roon. Hindi naman kami napansin dahil hindi naman kami masyadong kilala rito.
Naupo kami nang makarating kami roon. Ang mga mini house na ito'y may isang palapag lang at modern ang style nito. Ang saya naman dito.
Napatingin ako sa mapayapang dagat bago nagsalita. "May sakit ang kapatid ko, Kyla," mahinang tugon ko dahil may bumubukol nanaman sa lalamunan ko. "Ang hirap na nasa malayo ako tapos ganon na pala ang nangyayari sa kapatid ko,"
"Alam mo na pala. I'm really sorry Leandra kung hindi ko agad nasabi sayo," sabay yuko ni Kyla.
Napatingin naman ako sakanya na at namataan ko na lumuluha na ako. Hindi ako nagsalita at naghihintay kung may idudugtong pa ba siya.
"Naalala mo nung tumawag ako sayo dati? When I asked kung uuwi ka ba sa province?"
Kinunot ko ang noo ko sa kadahilanan na hindi ko maalala kung kailan niya yun nasabi.
"Maybe you forgot about it. Your mom called me that day at sinabi na sinugod ang kapatid mo sa hospital. She asked if she could borrow money from me. I said yes dahil Leandra hindi kayo iba sa akin, and I care for your brother. I'm sorry," paliwanag niya.
Unti-unti siyang tumingin sa akin at agad ko naman siyang niyakap. "Maraming salamat Kyla. Salamat sa lahat,"
"Stop crying. Gagaling si Leo sa dengue. Pray lang tayo okay?" aniya.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...
![Lost In Your Arms [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/225357517-64-k657736.jpg)