Sorry
*
Nakasimangot akong bumalik sa maid's quarter. Ano bang problema non? Nahihibang na ata yun. Kalma kalang Leandra, amo mo parin naman yun eh.
"Ayos ka lang ba?" napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Kitty.
Tiningnan ko siya at tumango na lamang ako.
"Sigurado ka ba? Napagalitan ka ba ni Sir Nathan?" nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.
'Nako, hindi ah. Napagsabihan lang,"
Tumango naman siya kahit pa nakitaan ko ng pagtatanong ang ekspresyon niya na para bang may kung ano pang gustong sabihin pero pinipigilan niya na lamang.
"Basta ah, magkwento ka lang sa akin kung may problema ka," she smiled.
I nod my head to her statement. Sa loob ng pananatili ko rito, I've never been that open to Kitty. Hindi ko alam pero may kung ano na pumipigil sa akin na magsalita o magkwento ng kung ano-ano. Hindi naman ganon ka pribado ang buhay ko. She's always been that loud while here I am, sobrang kabaliktaran ng sakanya.
Sabay kaming lumabas ng kwarto dahil tinawag na rin kami ni Manang Melda para sa hapunan. Paglabas ko pa lang, napansin ko ang katahimikan. Ginagawa nila ang kanilang kanya-kanyang routine kapag kakain na pero there's something different. Ate Mina is preparing the table pero walang imik. Manang Melda is preparing the food pero hindi rin naman nagsasalita. Kuya Paeng, Mikoy and Mang Roberto are watching news pero hindi na sila nagbibiruan. Kadalasan kasi kapag nanonuod silang tatlo, maingay sila ngayon lang hindi. I wonder what happened? Nanatili naman akong tahimik.
Hanggang sa naupo na kami, ganon pa rin. Walang asaran sina Ate Mina at Kuya Paeng at ganon rin naman sila Kitty at Mikoy. Ang tanging ingay lamang na naririnig ko ay ang mga kubyertos na gumagalaw sa hapag. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko...
"Nagluluksa ba tayo ngayon?" I chuckled at my own joke.
They all stop from what they're doing and then they look at me. Nakakapanibago naman.
"Kanina pa po kayo tahimik lahat, may problema po ba?'
Manang Melda stared at me at makikita mo sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Leandra hija.. hindi ba't dapat kami ang nagtatanong niyan saiyo?" she said softly.
Nagulat ako roon at bahagyang napatigil sa pagkain bago bumaling kay Manang Melda.
"Po? Ayos lang naman po ako Manang Melda," sabay tingin ko sa kanila.
"Narinig kasi ni Mikoy yung sagutan niyo ni Sir Nathan kanina, kaya nakwento niya rito sa amin. Sabi ni Manang hayaan ka muna namin hanggang sa maging maayos ka," bulong ni Kitty sa gilid ko na narinig naman ng lahat.
Ngumiti ako. Okay lang naman ako, nadala lang kanina dahil siguro sa mga iniisip.
"Ano kaba Mikoy, ayos lang naman ako. Kasalanan ko rin yon kasi mejo may nasabi akong hindi maganda,"
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...