Chapter 16

86 6 8
                                        

Rain

*

Nanatili lamang ako sa tabi niya habang pinagmamasdan siyang natutulog. Bakit ko nga ba ginagawa to? Lagi kong iniisip na siguro matulungin lang akong tao at amo ko siya kaya ako nandito.

"I'll be good please.." paulit-ulit niyang tugon.

Napangiti naman ako ng bahagya. Ang swerte naman ni Maika sa taong to. Hindi ko man alam ang buong nangyari sa kanila ngunit nasisigurado ko na nasaktan ng husto ang isang to. Grabe pala siguro ang pag-ibig noh? Pag dumating na sayo gagawin mo talaga ang lahat para manatili ito.

Ano bang feeling na ma'inlove? Hindi ko pa nararanasan yun eh. Nagka'crush ako nung high school pero hindi ko naman masyadong pinagtuunan ng pansin yun. Mag 19 na ako sa susunod na ilang buwan kaya feeling ko tuloy dahil NBSB ako, tatanda akong dalaga. Nakakatakot yun girl. Choz.

Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak parin sa akin, ang kaibahan lang ay maluwag na ang pagkakahawak niya rito ngayon. Dahan-dahan kong inalis yun at tumayo na. Pinagmasdan ko muna siya bago umalis sa harapan niya.

Mahina kong binuksan ang pinto para hindi siya magising. "Have a good sleep Tan-tan," tsaka ko sinarado ang pinto.

Pagdating ko sa kwarto ni Nico at Nica ay namataan ko na mahimbing parin silang natutulog. Tumabi ako kay Nico tsaka ipinikit ang mga mata ko. Girl, antok na antok ako ah.

Bago ako tuluyang makatulog ay rinig na rinig ng dalawa ko tenga ang malakas na pintig ng aking puso.


*

Binuksan ni Nica ang kaniyang kurtina rason kung bakit naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Agad akong bumangon at tiningan ang orasan bago nabaling ang tingin ko kay Nico na mahimbing parin pa lang natutulog.

"It's still 5:30 in the morning ate," Nica chuckled.

Nakabihis na siya at kasalukuyan niyang sinusuklay ang mahaba niya ng buhok. Napansin kong hindi niya maabot ito dahil hanggang balakang niya na ito.

"Halika dito, ako magsusuklay sa buhok mo,"

Agad naman siyang lumapit at umupo sa gilid ng kama niya. Inaalagan talaga ni Nica ng mabuti ang buhok niya noh? Shene ell.

"Ayan, tapos na"

Tumayo siya ay binalanginan ako sabay ngiti. "Thanks ate,"

Bumaba na siya para mag agahan para hindi siya ma'late sa school. Ako naman nagligpit ng pinaghigaan niya, dahan-dahan ako sa ginawa ko para hindi magising si Nico, bukas pa naman ang uwi ng kaniyang lovely parents. Choz.

Napaupo ako sa gilid ng kama nang matapos ako sa pag-aayos. Napasapo ako sa aking ulo ng maalala ko kung anong pinagagagawa ko kagabi. Sure kana non, Leandra? Hindi yon prank? Bakit mo nga ulit ginawa yon? Aish! Tumayo ako at inabala ulit ang sarili ko sa pag-aayos ng mga bittles ni Nico. Ang lakas naman dumede ng batang to! Ayan tuloy mukhang siopao ang pisnge.

Sinulyapan ko siya bago ako bumaba para magpakulo ulit ng mga bottles niya. Hindi naman yun bumababa kapag walang kasama kaya hindi na kailangan mag-alala kapag gumising yun.

"Anong oras ka umuwi kagabi kuya?" tanong ni Nica.

Nagkibit balikat ang kuya niya. "I don't know?"

Napatango-tango naman si Nica. "Are you with.. ate Maika?"

Umiling si Nathan habang sinusubo niya ang toasted bread.

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon