Accident
long chapter hehe
*
"Kailan po magiging maayos ang anak ko, doc? Malala na po ba?" kalmadong saad ni Mamshi sa doktor.
Nandito naman sa braso ko si Jacob na mahimbing na natutulog ngayon, nakatulog rin ako pero hindi gaanong nagtagal dahil maraming bagay pa rin ang bumabagabag sa utak ko.
Nag text na ako sa mansyon na hindi muna ako makakauwi ng ilang araw para samahan sina Mamshi rito. Sinabihan ko rin sila na wag sabihin kina Nica kung anong nangyayari at baka mag-alala lang sa akin ang batang iyon.
"We'll still have to observe him," ani ng doktor sabay paalam na aalis na.
"Kumain ka.." saad ni Mamshi sabay abot ng isang packed lunch.
Wala si Kyla at Jayzee ngayon dito dahil examination week din nila at sabi ko'y ayos lang at wag muna nilang pababayaan ang pag-aaral sila.
Tumango naman ako kay Mamshi habang unti-unting nilapag si Jacob sa sofa para makatulog ng maayos.
"Uuwi ang Papshi mo bukas.." mahinang saad ni Mamshi.
"Si Joaquin?"
"May exam rin ang kapatid mo kaya maiiwan muna siya," tugon niya.
Napabuntong hininga naman ako. Naisip ko si Joaquin, walang kasama sa bahay at panigurado nag-aalala na yun ng sobra kay Leo. Mag best friends yung dalawang yun eh.
Isa rin sa mga hinahangaan ko kay Joaquin ay yung kaya niyang itago lahat ng sakit na nararamdaman niya para hindi maapektuhan ang mga taong nakapalibot sakanya. I admire my little brother for that, dahil sa murang edad ng kapatid ko, kaya niyang alagaan ang sarili niya, kaya niya sarilihin ang sakit na nararamdaman niya.
Sabay kaming kumain nina Mamshi kumain ng hapunan habang si Leo wala pa ring malay hanggang ngayon.
"Tulog pa Kuya Leo?" inosenteng tugon ni Jacob.
Napangiti ako sakanya ng malumanay at hinalikan ang noo niya. "Sabihin mo gumising na siya kasi maglalaro pa kayong tatlo kasama si Kuya Joaquin mo,"
Tiningnan niya lang ang Kuya niya at hinawakan ang kamay nito. "Basketball Kuya,"
Inayos ko ang sarili ko dahil dito ako matutulog ng ilang araw sa hospital nang maisipan kong tignan ang cellphone ko. Nagulat ako dahil maraming nagtext roon.
Kitty maganda:
Ingat ka ha.
Mikoy igop:
Magiging okay dn lahat best friend
Kyla:
Take care, love. Dalaw ako bukas.
Natawa pa ako kina Mikoy sa kaloob-looban dahil hindi ko napansin na ganon pala ang nakapangalan sa kanila sa cellphone ko, tong dalawang to talaga. Ni'replyan ko sila isa-isa bago natulog sa isang maliit na upu'an rito, nang dahil na rin siguro sa pagod kaya nakatulog ako kaagad.
*
"Maaga akong lumuwas kanina eh,"
"Kamusta si Joaquin?"
Nagising naman ako dahil sa konting ingay kaya naman unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at namataan si Mamshi at Papshi na naghahanda ng pagkain.
"Paps!" takbo ko sakanya.
"Miss mo naman ako ng sobra," biro niya.
Ngumiti naman ako bago kumuha ng pandesal at naupo sa mini sofa kasama si Jacob. Pinagmasdan ko naman ang kapatid ko, ang inosente talaga ng matabang batang to.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...