Chapter 10

78 8 1
                                    

Jump

*

"Tapos na kami mag-ayos ni Jacob ate," si Joaquin habang buhat-buhat ang aming bunsong kapatid.

Hindi ako nagsalita at abala parin ako sa pag-aayos ng sarili dahil pupunta kami sa hospital ngayon.

Tumawag naman si Mamshi kanina habang nagluluto ako at ibinalita na mejo bumababa na ang temperature ni Leo. Buti naman.

"I'lock mo yung pinto sa likod at tumawag kana ng tricycle,"

Agad naman niyang sinunod ang utos ko tsaka kami lumabas at sumakay na ng tricycle patungo sa hospital.

Nang makarating kami ay agad kaming nagtanong sa nurse station kung nasaan ang kapatid ko.

"Leo Maligaya po,"

Agad namang napatingin ang nurse sa papel na hawak niya bago sumagot.

"Nasa ER po ma'am,"

Tumango naman ako at agad na kaming pumanhik patungo sa Emergency Room. Namataan ko kaagad si Mamshi na nasa tabi ng kama ni Leo, kaya agad naman kaming tumungo sa kanila.

"Kamusta po si Leo, Mamsh?"

Mahimbing na natutulog ang kapatid ko habang may dextrose na nakakabit sakanya.

"Bumaba na ang temperature niya. Wala narin siyang lagnat pero sabi ng doktor ay manatili muna rito para ma'obserbahan ang kapatid niyo," wika ni Mamshi.

Napabuntong hininga naman ako. Binaba ni Joaquin si Jacob at agad namang lumapit ang bunso kong kapatid kay Mamshi.

"Nag-almusal naba kayong dalawa?"

Napatango kaming dalawa ni Joaquin kay Mamshi. Naupo naman ako sa katabing silya tsaka pinagmasdan ang hospital. Matagal-tagal narin nung huling pasok ko rito. Hindi naman ako yung tipong bata na malapit sa sakit kaya anong gagawin ko rito? Mag-abang ng mga taong wala ng buhay habang dinadala sa morgue? Choz.

"Si Paps, ma?" biglang tanong ni Joaquin.

Agad ko ring napansin na wala nga pala si Papshi rito.

"Bumili lang ng pagkain tapos may inasikaso tungkol sa bayarin," paliwanag ni Mama.

"May naitabi po akong pera, mamsh. Gamitin niyo nalang po muna yun," suhestyon ko.

May ipon ako na para sa pag-aaral ko, wala namang kaso sa akin kung gamitin muna iyon sa pagpapagamot kay Leo.

Agad namang umiling si Mamshi tsaka ngumiti ng kaunti.

"Hindi na, ipon mo iyon kaya iyo yon," aniya.

Magsasalita na sana ako nang bigla namang nagpakita si Papshi na may dalang supot ng tinapay sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay mga papel.

"Kumain na kayong tatlo?" bungad niya.

"Tapos na Paps," si Joaquin.

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon