Beloved Brother
*
"Ay may ganon? Masyadong sine'seryoso lahat?" panliliit ng mata ni Kitty sa akin.
Napabalik naman ako sa ulirat at napailing. "Secret lang natin yun ah,"
Napangisi naman si Kitty sa akin. "Hmm,"
"Kitty naman!" asik ko.
"Oo na nga kasi," natatawa niyang tugon.
Lumabas siya ng kwarto habang malaki parin ang ngisi sa akin. Ako naman napasapo sa ulo ko.
Ginawa ko ang mga dapat kong gawin bago mag gabi. Nakakaumay na talaga pero kailangan ko paring magtrabaho para sa pamilya ko, lalo na sa kapatid kong si Leo.
*
"Manang! Dito muna ako sa sala matutulog ah," ani Mikoy nang gumabi na.
"Bakit? Nag-away ba kayo ng Kuya mo?"
"Hindi naman po, may--"
"Kakapanuod ng mga telenovela," singit ni Kitty.
"Luh, Kitty miss mo na naman ako,"
Inirapan naman siya ni Kitty bago sinarado ng malakas ang pintuan ng kwarto namin.
"Kitty! Hoy! Nag to'toothbrush pa ako eh!" katok ko.
"Problema na naman non.." ani Mikoy.
Buti nalang at pumasok na sina Manang Melda sa kwarto nila kaya hindi na siguro nila narinig ang dabog ni Kitty. Minsan talaga hindi ko na maintindihan tong mood swings ni Kitty kapag si Mikoy na ang kaaway niya ha. Hindi pa kasi magkaaminan.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay namataan ko na nanaman siya na nagbabasa ng libro.
"Tulog ka na girl," saad ko at sabay talukbong ng kumot.
"Good night, Philomena,"
"Ate! Ang ganda talaga niyang mga mata mo," masiyang tugon ni Leo.
"Talaga? Binobola mo nanaman ako," natatawa kong tugon.
Kasalukuyan kaming nasa mini farm namin dito sa Probinsya namin. Lupa kasi to nila Papshi at hindi pa binebenta kaya nandito muna kami para makapag'bonding.
"Oo nga kasi!"
"Syempre maganda ako," ani Mamshi.
Natawa naman sakanya si Papshi. "Nahiya naman ako,"
Nagtawanan naman kaming lahat habang si Joaquin at Jacob naman naglalaro ng habulan.
"Ang tagal na nating hindi nag ganito noh Mamsh?" ani Leo.
Ngumiti naman si Mamshi habang si Papshi naman kumakain ng mangga.
"Paps, gusto ko ng santol na yan. Tara kuha tayo," pagyaya ni Mamshi.
"Oh? Naglilihi ka ba?" natawa pa ang tatay ko.
Hinampas naman ni Masmhi ang dibdib niya bago sila tumungo sa puno ng santol at naiwan naman kami ni Leo dito.
"Ate.. gusto pa kita makasama ng matagal," aniya na ipinagtaka ko.
"Pinagsasabi mo uy!"
Ngumiti naman siya ng malumanay. "Sinasama na ako ng babaeng nakasuot ng puting bestida ate,"
Kinunot ko naman ang noo ko. "Ha? Sino?"

BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...