Heartache
*
It's been days since Ma'am Norma and Sir Ethan left. Nakakalungkot dahil kasama nila si Nico, mami'miss ko yung makulit na batang yon. Ilang araw na ang nakalipas, di pa rin talaga mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Ma'am Norma nung araw na iyon. Ano ba yung pinagsasabi niya? Huhu, nakakalito naman.
"Ano na pong gagawin ko ma'am? Wala na po akong aalagaan?" pagtataka ko.
Sinasabi ko na nga ba! Choz.
"Uh-huh," napatayo siya. "Nathan is different now,"
Napaangat naman ako ng tingin sakanya. Bakit napunta sa panganay niya ang usapan? Tsaka ganon pa rin naman si Nathan? Kaya anong pagbabago? Unless nagiging alien na siya?
"You know? He's not like that since their break-up. Nakakapagtaka."
Ang tagal naman nito huhu akala ko ba straight to the point. Mygoodness.
"Napapansin ko rin na lagi siyang nakangiti kapag.." natigilan siya sabay ngiti sa akin. "... kapag kasama ka niya,"
Nabigla naman ako sa sinabi ni Ma'am. Ha? Nabingi ata ako sismarz. Nilapitan niya ako at marahan na hinawakan ang balikat ko.
"Please do take care of my son, Leandra.. ayoko na ulit makitang miserable si Nathan. Nakakaawa siyang tingan na dahil lang sa pag-ibig naging ganon siya,"
"Huh, ma'am? Hindi ko ho kayo maintindihan,"
"Leandra, hindi mo ba nararamdaman? My son likes you,"
Natawa naman ako ng bahagya. "Ma'am kayo po talaga. Hindi po noh! Friends lang po kami ni Nathan. Tropa-tropa ganon po,"
Napangiti siya ng malumanay. "Nakita ko kayo sa kitchen kahapon.." aniya na ikinagulat ko. "He's happy when he's with you. Hindi ko lang don napapansin. Kapag kasama ka niya, nailalabas niya ang tunay na siya,"
Hindi ako nagsalita. Ano bang gusto mangyari ni Ma'am? Huhu.
"You need enough money for your brother right? I will double it, just please do take care of my son. Please make him happy while we're away.." malumanay na tugon ni Ma'am.
Nagulat naman ako. Oo, kailangan ko ng pera para kay Leo pero di ko inaasahan na dodo'blehen niya para lang kay Nathan. Wala naman akong ginawa kay Nathan. Magkaibigan lang naman kami.
"Wag mo lang sasabihin sakanya na I will do this for him... nakikiusap ako Leandra, pasayahin mo ang anak ko.." aniya sabay hawak sa dalawang kamay ko.
"Ma'am.. hindi ko po kayo naiintindihan.." naiilang kong tugon.
"I will help you.." maingat niyang saad sabay tingin sa mata ko ng diretso. ".. and you will help me," she smiled.
Kinunot ko pa rin ang noo ko, hindi ko pa rin maintindihan si Ma'am Norma.
"I will take care of your brother.. I mean ako ng bahala sa babayaran. I know kaialngan mo yun," she slowly said. "..and you will take good care of my son," ngiti niya na nahahalata ko naluluha ngunit pinipigilan niya lamang.
"Hoy! Tulala ka nanaman! Kanina pa ako talak ng talak! Mygoodness!"
Napabalik ako sa ulirat dahil kay Kitty. Sinamahan ko kasi siya rito sa labas total wala naman akong ginagawa.
"Ano ba yang iniisip mo, ha?" panliliit niya ng mata. "O baka naman sino yang iniisip mo?"
Agad naman akong umiling. Masaydo na siya ma'chismis.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...