Batangas Day 1
*
Mabilis ang naging panahon at parang dumaan lamang ang araw ng Martes kahapon. Miyerkules na ngayon at ngayon na ang itinakdang araw ng pag-aalay. Charot! Ngayon na kami aalis patungong Batangas. Ilang oras ba ang biyahe patungo roon? First time ko eh. Lahat kami sa maid's quarter ay first time pwera nalang kina Kuya Paeng at Mikoy dahil taga roon sila. Abala ang lahat sa pag-aayos dahil kailangang hindi kami tanghaliin ng dating roon. Alas singko palang pero animo'y palengke ang buong bahay ng mga Torres dahil abala sila sa pag-iimpake. Nakakapagtaka dahil marami naman silang naging oras kahapon pero di nila ginawa ang dapat nilang gawin? Ewan.
Tapos na kaming mag-ayos ni Kitty kaya tinutulungan nalang namin ngayon si Manang Melda sa pagluluto. Si Ate Mina kasi nasa loob ng mansyon at siya naman ang nagluluto roon.Maaga rin siya roon kanina kaya siguro maya-maya ay naririto narin iyon. Mag-aalmusal muna kami noh! Breakfast is the most important meal kaya! Sina Kuya Paeng, Mikoy at Mang Roberto naman ay nasa labas na, hinahanda na nila ang sasakyan na gagamitin.
"Pakilagay na nga nitong itlog at hotdog sa lamesa, Kitty," saad ni Manang kay Kitty.
Agad naman iyong sinunod ni Kitty habang ako inaayos ko pansamantala ang mga pinggan sa mesa at bahagya naman akong nagulat sa presensya nina Kuya Paeng, Mikoy at Mang Roberto. Maya-maya naman ay namataan na namin si Ate Mina na papasok na ng maid's quarter.
"Tapos kana don Mina?" tanong ni Manang.
Tumango naman si Ate Mina. "Kakatapos pa nga lang nilang kumain eh. Maliligo pa siguro yun sila,"
Naupo naman sila kaagad sa kanilang kanya-kanyang upuan kaya nilagay na ni Manang ang kanin at naupo narin.
"Labas na labas na kaluluwa mo niyan ah," puna ni Mikoy sa suot ni Kitty,
Nakasuot kasi si Kitty ngayon ng shorts at naka spaghetti strap.
"Nangengealam," irap ni pusa.
"Dagat pupuntahan natin dun uy! Hindi party,"
Kinunot ko naman ang noo ko at tiningnan ulit ang damit na suot ni Kitty. Okay naman to ah? Ganito naman talaga sinusuot sa beach ah?
Sumubo muna ng kanin si Kitty bago nagsalita. "Alam mo ikaw, napaka-epal mo. Anong gusto mong suotin ko doon? Pantulog? Ha? Hihiga sa gitna ng dagat kasi matutulog?"
"Tama na yan," si Manang Melda.
Agad namang nanahimik ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Ayan, mga siraulo kase kayong dalawa eh.
Nang matapos kaming kumain lahat ay agad naman naming kinuha ang kanya-kanya naming mga bagahe para ilabas iyon.
Ni'lock na ni Manang Melda ang mga pintuan sa maid's quarter at pati na rin sa bahay ng mga Torres.
Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay nila at hinihintay nalang ang sasakyan na inaayos pa nina Kuya Paeng at Sir Ethan.
Dadalhin nila ang dalawang sasakyan nila. Ang sasakyan namin ay ang kanilang family van na Nissan Urvan Cargo, nalaman ko lang yang pangalan ng sasakyan nila kay Mikoy, dito sasakay si Kuya Paeng ang magda'drive, Ate Mina, Kitty, Manang Melda, Mang Roberto at Mikoy. Silang lahat ang nandito, habang sa isang sasakyan naman nila na Toyota Fortuner ay si Sir Ethan na magd'drive, Ma'am Norma, Nica, Nico, Nathan at uh, ako? Huh? Huhtog. Oo dito ako sasakay dahil alam niyo na. Trabaho langz.
"Ang sexy naman ate, Leandra," sabay tusok ni Nica sa tagiliran ko.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Paano ba kasi sumagot ng compliment? Huhu.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Arms [COMPLETED]
Teen FictionWe can't predict our future right? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa atin sa susunod na panahon. May mga bagay na gusto nating paghirapan para makamit iyon. May mga taong kailangan nating pakisamahan para matuto tayo ng mga bagay na hindi pa...