Chapter 27

54 5 1
                                    

Hold on tight, Leo

(mejo long chap, mejo lang naman,)

*

"Anyways my tita wants to see you siguro sa Monday? Are you free?" dagdag pa ni Kyla.

Nag s'slice ako ng cake ngayon dahil nagugutom ako. Umupo ako ulit sa sofa at seryosong tinignan siya.

"What's with that look, Philomena!"

"Thank you talaga. Free naman ako anytime," saad ko.

"I'll text you nalang, is that okay?"

Tumango naman ako sakanya. Nagpatuloy ako sa pag-kain ng cake ko habang nanonuod kami ng tv dalawa. Bahagya naman akong napatingin kay Leo na nakatulog na pala ngayon. Nakaantok siguro yung mga gamot na iniinom tsaka tinuturok sa dextrose niya? I'm so proud of this little fighter. Kapit ka lang akong bahala sayo basta't wag mo kaming iiwan.

Thankful rin ako kay Kyla kasi simula pa lang, nandyan na siya sa tabi ko, hindi niya ako iniwan. Siguro ito talaga yung nakatadhanang mangyari sa akin noh? Alam kong binigay to ni Lord kasi alam niyang kakayanin ko.

Nagpaalam ako na lalabas muna dahil aasikasuhin ko muna ang bill ni Leo rito sa hospital. Sasamahan pa nga sana ako ni Kyla pero sabi ko na kaya ko naman.

Nakasuot ako ng dolphin shorts at simpleng white t-shirt tsaka tsinelas, dito lang naman ako sa hospital kaya hindi na ako nag-abala pang mag-ayos.

Pagsakay ko ng elevator, mga nurses ang nakasabay ko. Nag-uusap sila tungkol sa trabaho nila, ako naman hindi maiwasang hindi marinig kasi medyo malakas ang boses nila.

"Ilang taon na nga ulit yung anak ni Doc Vargas? Ang bilis lumaki ng batang yon ah,"

"Alin don? Yung bunso ba? Oo nga, ang tangkad rin. Pogi pa, lahi nga naman nila," the other nurse giggled.

"Si Zachary? Highschool pa lang ata yon eh,"

"Tama na nga yan, child abuse kayo ah," the third nurse chuckled.

Nang makarating na ako sa first floor ay agad rin naman akong tumungo sa area kung saan inaayos ang bill ng mga pasyente rito.

"Good afternoon po," bati ko.

"Good afternoon din po ma'am. What can I help po?"

"Ichi'check ko lang po sana yung bill po namin," mahinahon kong tugon.

"Ah, yes ma'am. Surname po?"

"Maligaya, Leo po,"

"Maligaya, Leo E- ah eto! Infairness po ang gwapo tignan ng second name niya. Kapatid niyo po?" pagchika ni ate.

"Opo. Kapatid ko po," tugon ko.

"May lahi ka po ba ma'am?" pagtataka ni ate.

Umiling ako at ngumiti bago niya inabot ang papel sa akin, tinignan ko yon at bahagyang nalungkot. Ang laki pa rin pala ng babayaran, kahit pa sinabi ni Kyla na siya na ang bahala roon, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip na dapat gawain ko iyon.

Ngumiti ako kay ate at nagpasalamat bago umalis roon at nagtungo sa isang convenience store na pinuntahan ko nung nakaraan. Pagpasok ko, kumuha ako ng kape bago binayaran iyon at umupo sa isang bakante. Medyo maraming tao ngayon kasi hapon at karamihan sa kanila ay mga medical worker na nagta'trabaho sa Vargas Medical.

Teka- Vargas Medical?! Sila Kiko ba ang may-ari non? Diba apilyedo niya yon? Tsaka, kaya pala pamilyar ang apilyedo niya! Bakit di niya nai'chika iyon nung huling pagkikita namin? Tsaka bakit ko siya nakita na nagtitinda ng iba't-ibang kakanin? Ang gulo naman ng taong yon.

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon