Chapter 28

46 7 3
                                    

Waitress

*
"Excuse me po ma'am, ibabalik na po namin si Leo sa room niyo," ngiti ng nurse sa akin.

Tumango naman ako at pinunasan ang mga luha ko. Kailangan kong maging matatag at matapang para sa kapatid at pamilya ko.

Tinanggal nila ang mga nakatusok na kung ano-ano kay Leo kanina at ibinalik ang dextrose niya, sumabay ako sa paglabas at nakita na nag-uusap si Mamshi at Kiko ngayon. Buhat-buhat ni Kiko si Jacob habang seryoso silang nag-uusap ni Mamshi.

Nang makita ako ni Mamshi ay wala na akong ibang ginawa kundi ang yakapin siya. Nalulungkot lang naman ako dahil nakikita kong nasasaktan ang kapatid ko. Alam kong napapagod na rin siya sa lahat ng gamot na iniinom niya.

"Mauna na ako sa taas nak. Walang kasama ang kapatid mo roon," ani Mamshi.

Tumango naman ako. Kukunin niya na sana si Jacob kay Kiko na nakapulupot ang mga braso sa leeg ni Kiko pero ayaw bumitaw ni Jacob.

"Anak, may lakad pa ang Kuya Kiko mo," malumanay na saad ni Mamshi.

Ngumiti si Kiko kay Mamshi at sinenyasan na ayos lang. "Wala na po akong pasok. Ayos lang po, ihahatid ko nalang po si Jacob sa kwarto ninyo,"

Sumang-ayon naman si Mamshi at agad rin naman siyang nawala sa paningin namin. Tahimik lang si Kiko at para bang natatakot na magsalita kaya ako na ang nag-adjust.

"Tapos na class mo? Maaga pa ah?" saad ko.

"Tapos na ngayong umaga. May dalawang subject pa ako mamayang hapon," aniya. "Ikaw? Okay ka lang?"

Gulat akong napatingin sakanya at tumango. Mukha ba talaga akong hindi okay? Halata ba talaga?

"Cafeteria tayo?" pang-aanyaya niya.

"Woah! Daming time," I chuckled.

Natawa naman siya at sabay kaming pumunta sa cafeteria habang karga-karga niya pa rin ang kapatid kong si Jacob. Pagkarating namin roon ay wala namang masyadong tao dahil maaga pa rin naman. Naupo ako sa isa sa mga bakante roon habang siya naman ay kumukuha ng pagkain habang karga-karga pa rin si Jacob. Close na close sila ah.

Pagkabalik niya sa upuan ay nilapag niya ang kakanin na dala niya kanina at naglagay rin siya ng iced coffee.

"Kuya Kiko!"

Napalingon kami sa batang nasa wheelchair ngayon kasi naka wave ang kamay niya sa gawi namin.

"Hello, Leanah! Pagaling ka ah," ani naman ni Kiko.

Tumango ang bata bago itinulak ng Mama niya ang wheelchair niya palabas ng cafeteria.

"Isa sa mga cancer patient na kaibigan ko. Sabi ko sayo marami akong kaibigan dito eh," he let out a small laugh.

"Ang hilig mo sa mga bata noh?"

Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa table at pinagkrus iyon, nakatingin sa kanya.

"Wala akong nakababatang kapatid eh. I mean meron naman pero grade 9 na," pagkibitbalikat niya.

"Talaga? Ka'edad pala ni Leo at Joaquin eh! Nakakasama mo?" pagtataka ko.

Binuhat niya si Jacob at mahinahong pina'upo sa tabi niya. Tahimik lang naman ang kapatid ko na kumakain ng biscuit ngayon.

"Nakakasama pero masyadong tahimik yung batang yon kaya minsan napagkakamalang snob at mayabang," he chuckled. "Kapatid ko lang si Zachary sa tatay ko pero close kami ng batang yon. Siya yung unang nag approach sa akin nung nalaman niya na may isa pa pala siyang kuya,"

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon