Simula

339 21 25
                                    

Lost In Your Arms

*

Pagmulat ko ng aking mga mata ay tirik na tirik na araw kaagad ang sumalubong sa akin. Napahikab ako. Grabe ano bang ginawa ko kagabi at antok na antok pa rin ako hanggang ngayon?

"Leandra! Ano ba? Di ka ba babangon riyan?!" sigaw ni Mamshi sa baba.

Napabangon tuloy ako kahit gusto ko pang matulog ulit. Hahays.

"Opo Mamsh, maghihilamos lang po"

Inayos ko muna ang aking kama at bumaba para makapag hilamos at makapag mumog na.

Pagkatapos ko sa banyo ay tumungo na agad ako kina Mamshi na nasa kusina na. Nag aalmusal.

Nasa may daanan pa lang ako ng kusina ay bumungad na kaagad sa akin ang ingay ng mga kapatid ko.

"Puyat na puyat ah?" tawa ng kapatid kong si Joaquin.

"Oo nga anong ginawa mo kagabi?" sambat naman ng isa ko pang kapatid na si Leo.

Umirap lamang ako sa kanila bago naupo na lamang sa hapag. Ang o'oa ng dalawang to nagbasa lang ako ng libro kagabi e. Mga kupal talaga.

"Papsh, nainom nyo po ba yung gamot nyo kagabi?" tanong ko kay Papshi.

"Ah, oo nak. Paubos na nga e"

Tumango ako.

"Nasaan po si Jacob Mamsh?" tanong ko kay Mamshi ng mapansin na wala rito sa hapag ang bunso kong kapatid.

"Ayon at tulog pa sa kwarto. Di ko nalang muna gigisingin."

Tumango ulit ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Ako naghugas kagabi ah! Ikaw naman ngayon Leo." pagrereklamo ni Joaquin.

"Ulol"

"Mamshiii!! Nagmumura si Leo oh" sumbong naman niya kay Mamshi.

"Hoy, tumigil kayo ah kumakain pa'ko dito. Umpog ko kayong dalawa jan." pagsasaway ko sa kanila.

"O sya, ako na muna maghuhugas ngayon" ani Mamshi sa dalawa kong kapatid.

Ayon at abot langit ang kaligayahan ng dalawa kong kupal na kapatid. Natawa na lamang ako sa kaloob-looban.

Pagkatapos namin kumain ay nagkanya-kanya na kami sa gawain namin dito sa bahay. Ganon kami tuwing Sabado o kaya kapag walang pasok. Tulong-tulong sa paglilinis ng bahay.

Ako ay nagdilig ng mga halaman sa labas. Si Joaquin at Leo ay nasa sala para mag ayos at magwalis. Si Mamshi nasa kusina para maghugas ng pinggan. Si Papshi ay nasa may labas para ayusin ang nasira naming gate noong isang araw. Si Jacob naman ay panay laro lamang doon kasama si Papshi. Tatlong taon pa lang kase si Jacob e.

Ganon lamang ang naging araw namin kaya pagsapit ng gabi ay nag kanya-kanya na kami sa pagtulog. Ang aming bahay ay di gaanong malaki at di rin gaanong maliit, sapat lamang sa aming anim at may ikalawang palapag na may dalawang kwarto kung saan kami natutulog. Sa unang kwarto ay kina Mamshi, Papshi at Jacob. Sa panglawa naman ay amin nila Joaquin at Leo. Maliliit ang kwarto rito kaya siksikan talaga kami. Keribels lang yun! Basta magkakasama.

Grabe nga naman at ako lamang ang babae sa aming apat at panganay pa ha. Nakakastress na nga tong dalawang to pano pa kaya pag lumaki na si Jacob? Panigurado maingay lalo tong bahay. Hays natawa na lamang ako.

"Wag kang galaw ng galaw jan sa itaas Joaquin ah, pepektusan talaga kita." pagrereklamo ko kay Joaquin na nasa itaas ng doubledeck.

"Opo madam!"

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon