Chapter 4

74 10 0
                                    

Nathan

*

"Ate Leandra.."

Naalimpungatan ako sa pagising ni Nica sa akin, kaya naman unti-unti akong napabalikwas sa aking higaan at agad napabangon.

"May trabaho paba ako?" biglang tanong ko kay Nica.

Nagtataka ang mukha niya at kita ko ang pagkalito sa reaksyon niya.

"Oo naman ate. Bakit naman?" aniya.

Natanto kong may trabaho pa nga ako at agad na umiling na lamang sa kanya.

"Mom was already here na kaya kinuha niya si Nico kanina mga around six,"

My eyes widened. Pucha?! Anong oras na? Yan kase Leandra kung ano-anong pinagagagawa mo.

Nica noticed my weird reaction na tila ba nahulaan niya ang iniisip ko, kaya naman dinugtungan niya na ang kaniyang sasabihin..

"Six-thirty pa lang ate. Sorry ginising kita ah? Sabi kasi ni Manang Melda," she chuckled. "Okay ka lang ba ate?"

Agad akong tumango at tumayo na nang napabalik sa ulirat.

"Ah, ayos lang. Baba na muna ako," paalam ko.

Naglakad na kaagad ako palabas ng kwarto ni Nica. Ang naalala ko lang ay pagkatapos makaakyat ni Sir Nathan ay sandali akong natulala roon sa baba at hindi parin ma sink-in sa utak ko na napagkamalan kong magnanakaw ang isa sa mga amo ko! Napasapo ako sa mukha ko. Ano nanaman bang ginawa mo Leandra? Dalawang Linggo ka palang dito uy! Mamshi huhu help! Gusto ko pa po mag trabaho para sa inyo. Huhu help.

"Hoy! Napano ka jan?"

Nagulat ako kay Kitty at agad na napabalik sa ulirat. Di ko namalayan na nasa maid's quarter na pala ako! Ganon naba talaga ako kautal sa nangyari ha? Sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari kagabi? Ano ba naman yan!

"N-Nakauwi naba yung p-panganay ni Ma'am Norma?" utal kong tanong sa kanya.

"Ah, si Sir Nathan?" aniya habang tinutupi ang damit niya. "Hindi ko alam eh. Bakit?"

Hindi niya alam? Ibig sabihin hindi pa nagigising? Kaya hindi pa nagpapakita sa mansyon?

"W-Wala naman," I smiled awkwardly.

"Leandra! Dios Mio! Buti naman at gising kana!" nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Manang Melda rito sa kwarto.

Agad naman akong tumayo at humingi ng paumanhin.

"O sya sige na, pumasok kana roon dahil nag uumagahan na sila. Ikaw na muna room dahil inutusan ko si Mina sa palengke at mag grocery kasama si Paeng at itong si Kitty naman tutulungan ako sa paglilipat ng mga tanim roon sa garden." si Manang Melda.

H-Ha? Ano daw? Ako? Magsisilbi roon sa hapag nila? Sa dalawang linggo ko rito ngayon pa lang ako magsisilbi sa kanila sa hapag dahil ang madalas na naroon ay si ate Mina! Hindi naman ako nagrereklamo pero bakit ngayon pa na may nagawa akong kababalaghan kagabi? Malamang nandon si Nathan! Ay mali, si Sir Nathan! Anak ng!

"Leandra hija, nakikinig ka ba?"

Napakurap-kurap ako kay Manang Melda at agad na tumango. Lutang nanaman!

"Opo naman Manang Melda nakikinig po ako," I awkwrdly laugh.

"O sya, pumasok kana roon,"

Lost In Your Arms [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon