"Yohan,anak. Hanguin mo na iyong mga palay at ilagay sa gitna ng palayan" ani Aling Nene sa panganay na anak.
Kasalukuyan silang nagtatanim ng binunot na palay sa kanilang bukirin katuwang ang kanilang mga anak.
" Opo, inay" mabilis namang sang- ayon ng dalaga sa iniuutos ng ina.
Hindi alintana ang masakit na init ng araw na tumatama sa aking balat. Walang pakialam kahit maging sunog man ang kulay, mahalaga ay natutulungan ko ang inay at ang itay sa mga gawaing bukid. Wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa akin. Na kesyo hindi bagay sa akin ang trabahong pambukid lalo na at sa Maynila raw ako nag aaral at masasayang raw umano ang aking ganda sa pagtatanim at pag aani ng mga gulay at palay.
Napailing na lamang ako sa kung gaano kababaw mag isip ang mga tao sa ngayon. Mas higit pa nilang binibigyang pansin ang kanilang panlabas na anyo kaysa ang makatulong sa pamilya. Mas pinapahalagan pa nila ang kanilang kutis kaysa ang umalalay at huwag maging masyadong pabigat sa mga magulang.
Dahil bakasyon ngayon,nandito ako sa probinsya at tumutulong sa mga magulang sa pagtatanim at pag-aani ng mga tanim naming gulay kasama ang dalawa ko pang nakakabatang kapatid.Ayaw na rin naman naming kumuha pa ng tao para bayaran kung kaya naman naming gawin ang mga iyon.
Panganay si Yohan na anak nila Aling Nene at Mang Tobias. Nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sa isang unibersidad sa Maynila na isponsor ng isang mayamang negosyante na tumutulong sa mga katulad na kapus sa pinansyal para tustusan ang pag aaral.
Maaga kaming namulat sa kahirapan at pagtulong sa bukid. Sa mura naming edad ay tinuruan na kami ng aming mga magulang paano magbanat ng buto at kumayod sa buhay. Kung ang mga batang kaedad namin ay mahahagilap mo sa pasyalan, o sa mga parties kami ay pinipili naming magpastol ng mga alagang hayop nina itay.
Pagsasaka ang tanging kabuhayan ng aming pamilya. Iba't ibang uri ng mga gulay at prutas ang siyang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay naming mag-anak.
Hindi nakapagtapos pareho ang aming mga magulang subalit masipag naman at mapagmahal na magulang sa aming tatlo. Labis-labis na pag-aaruga at tila walang kapantay na pagmamahal ang araw-araw nilang pinapakita at pinaparamdam sa aming magkakapatid na bukod tanging pagsisipag mag aral ang tangi naming maisusukli sa lahat ng mga naisakripisyo nila sa amin.
Payak man ang aming kinagisnang pamumuhay ay masaya naman kami sa kabila nang lahat. Maraming mga problema ang dumating sa amin pero patuloy namin itong nalalampasan at kung anupaman ang maaring darating pa ay malaki ang tiwala kong makakayanan ulit naming lagpasan at solusyunan.
"Mga anak, ganito ang tama at maayos na pagtutusok ng binhi ng palay" ani Tatang at isa-isa kaming tinuruan ng tamang pagtatanim ng binunot na palay. Mahirap sa umpisa pero nakasanayan na.Maghapon kaming nasa gitna ng tirik na araw at nagtatanim ng palay. At sabay-sabay na umuwe habang ako at si Annie ay nakasakay sa pinastol naming kalabaw ni Tatang.
"Ate, dahan-dahan lang!" dinig kong sigaw ng kapatid ko habang pinapabilisan ko ang pagpapatakbo sa kalabaw.
Tawang-tawa ako sa reaksyon ng kapatid ko.
"Ate,mahuhulog na ako sa ginagawa mo!" muli nitong sigaw at ipinulupot pa ang mga kamay sa aking baywang sa takot na baka mahulog nga!
Ganuon ang eksena namin ng kapatid ko hanggang sa makarating kami sa bahay. Sa tahanan na palasyo na namin kung maituturing. Hindi marangya pero dito ay ramdam mo ang tunay na kapayapaan.
"Oh, God!!"
Parang binagsakan ng langit at lupa ang katawan ng dalaga ng makarating sa kubong naging saksi ng hirap nilang pinagdaanan. Pagod na pagod si Yohan sa buong maghapong pagtulong sa mga magulang sa bukid.
Nakakapagod pero kailangan. Para mabuhay. Wala silang choice kundi magsumikap para makaahon sa araw araw. Ika nga nila ang choices ay para lang sa mayayaman.Dahil hindi naman kami mayaman;kaya wala kaming ibang choice!
Nang makapasok sa aming bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto kung saan kapag umuuwi ako sa probinsya ay magkakatabi kaming natutulog ng kapatid kong babae na si Annie. Dise-otso na at senior high school na si Annie sa pasukan at magpapatuloy sa pag aaral sa dati din nitong eskwelahan sa bayan.
Doon na lamang namin pinag aaral ang kapatid dahil mahirapan lalo kapag tulad kong sa Maynila din mag aaral.
Napabuntung hininga na lamang ang dalaga.
Kaya lang naman ako nakapag aral doon ay dahil pumasa ako sa scholarship na ini-offer ng university. Scholarship para sa mga matatalinong mag aaral na gustong ipag patuloy ang kolehiyo ngunit hikahos sa buhay.At habang-buhay kong ipagpapasalamat sa Diyos ang bagay na iyon.Dahil iyon ang naging pintuan ko sa paglalakbay patungo sa pagkamit nang aking mga pangarap.
Isang taon nalang ako sa kursong kinuha.Sa tuwing naiisip ko na isang taon nalang ako sa kolehiyo ay lalo pa akong nagpupursigeng gawin lahat ng makakaya para maabot ang lahat ng pangarap ko sa aking pamilya.
Gagawin ko ang lahat gaano man kahirap.Lahat gagawin ko para sa aking pangarap.Hindi ko sasayangin ang opurtunidad at tiwala na ibinigay ng Diyos at ng mga taong naniniwala na kaya kong umangat kahit ako ay mahirap.
Kinuha ko ang tuwalyang nakasampay at tinungo ang banyo.Pinuno ko ng tubig ang baldeng naroroon at gamit ang latang tabo ay sinimulan ko ng kuskusin ang mga putik at amoy araw na dumikit sa aking katawan.
"Hays, ang sarap sa pakiramdam!"ani ko at ipinagpatuloy lamang ang paliligo.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...