BMWTL-9

1.1K 43 0
                                    

Pagdating ni Yohan sa dormitoryo ay agad siyang sinalubong ng kaibigang si Kriza.

"Oh mabuti naman Yohan at bumalik ka na! Namiss kita ng sobra!" bungad nitong sabi n sabay yakap sa akin.

"Oo nga bestie, namiss din kitang asungot ka". Ganting bati ng dalaga sa kaibigan na agad na ikinasimangot nito.

"Hmmmpp" irap ni Kriza Kay Yohan. Kahit kailan talaga sobrang pikon ng babaeng ito.

"Siya nga pala, kamusta naman sa probinsya bestie" tanong ni Kriza. Ganito talaga ang kaibigan kong ito sa tuwing uuwe ako ng probinsya ay magtatanong ito ng mga ginawa ko roon at lagi itong excited sa bawat senaryo na kinukwento ko.

Ang swerte ko sa pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan na katulad niya. Ang hirap na sa panahon ngayon ang magkatagpo ng totoo at tunay na pagkikipagkaibigan nga ang intensyon.

"Okay lang naman bestie, at syempre dating gawi. Tinulungan ko sila inay sa bukid. Ang saya nga ng bakasyon ko kung puwede nga lang manatili na lang ako doon ginawa ko na para lagi ko silang kasama" mahaba kong litanya.

"Tsee" irap ni Kriza.

"Parang ayaw mo yata akong makita at makasama kaya ayaw mo na bumalik dto sa Maynila" kunwariy nagtatampong sabi ng kaibigan.

"Hahahaha" sabay hampas sa balikat ng kaibigan

"Gaga! hindi bagay sa'yong mag iinarte no. Hayaan mo sa susunod isasama na kita doon sa amin para maranasan mo naman ang buhay probinsya at hindi puro parties and malling lang ang alam mo" natatawa kong sagot sa kaibigan.

Marami pa kaming napagkwentuhan. Mula sa buhay ko sa probinsya at maging sa mga nangyari kay Kriza ng mga panahong pareho kaming nasa bakasyon. Nakakatuwa na sa loob ng mahigit tatlong taon ay wala pa ring nagbabago sa pagkakaibigan naming dalawa.


Biglang tumunog ng sabay ang aming tiyan,at sabay ring bumunghalit ng tawa. Ginutom kami sa dami ng aming mga napagkukwentuhan!

"See, magkaibigan nga talaga tayo!"

"Ultimo pagkulo ng sikmura sabay pa" natatawang sambit ni Kriza na lalo pa naming ikinatawang dalawa.

"Kain na nga tayo bestie, hindi pa ako kumakain ng matino simula kanina" yaya ko sa kaibigan.Dahil talaga namang nagugutom ako dahil sa haba ng byahe. Hindi ko na nagawang kumain ultimo ng biskwit dahil mas pinili ko na lamang matulog sa byahe.

Lumabas na kami ng silid naming dalawa at naglakad papuntang kusina. Namiss ko itong tirahan namin ng kaibigan ko. Ito ang tahanan ko rito sa Maynila at kaming dalawa lamang ni Kriza ang naririto kaya parang magkapamilya na ang turingan namin sa isat-isa.

Nakapagluto na rin kasi ang kaibigan dahil alam nitong darating siya ngayong araw.

Pagkadating sa kusina ay naghugas na ako ng kamay at kumuha ng pinggan at kubyertos.Nauna na akong naupo sa kulay berderng mono block chair na andun sa hapag at nauna ng sumandok ng kanin.

Natatakam ako sa mga niluto ng aking bestie. Siya talaga ang laging toka sa pagluluto, marunong naman akong magluto pero siya ang madalas may gusto na ipagluto kaming dalawa kaya ako ang madalas tagaligpit at tagahugas ng mga pinagkainan.

"Wow!" palatak kong tili. Nagbabagang ang aking panga sa mga nakahain sa mesa. Simple para sa iba, subalit para sa aming magkaibigan ay pang world class na ito!

Bakit ba? Bestie ko nagluto!

"Andami naman nito bestie at mukhang masasarap pa!" puri ko sa luto ng kaibigan.

"Syempre naman bestie, espesyal yan kasi alam kong darating ka ngayon" wika ni Kriza.

"Salamat bestie"

"I'm so blessed to have you as my friend. Thank you" madamdamin kong turan sa kaibigan.

"Naku!naku! At nagdrama pa!" kunwariy pinaikutan siya ng mata nito. Pero alam ko namang kinikilig rin ito sa mga papuri ko. Hindi lang naman simpleng papuri lang iyon, mula iyon sa puso ko at bukal sa kalooban kong naramdaman.

"Kumain ka na nga lang gutom lang yan".

"Sige na nga" pagsang ayon ko na lamang. At nagsimula ng nilantakan ang mga pagkaing nakahain.

Masaya kaming naghapunan ng aking ng best friend, syempre hindi pa rin nawawala ang kwentuhan habang kumakain na tila hindi kami nauubusan ng topic.

Pagkatapos ay niligpit na din namin ang mga pinagkainan at hinugasan sa lababo. Nalinisan na rin ang mesang pinagkainan kaya aakyat na sila sa kwarto para makapagpahinga.

Kailangan nilang maagang matulog dahil maaga silang papasok sa university para mag enrol.

Huling taon na nila ng kanyang bestie sa Montenegro Academy. Ang paaralan na naging daan para unti-unti niyang marating ang mga pangarap sa buhay at lalong pangarap para sa pamilya.

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon