"Kids, go inside now" isang pagtawag ang nakapabalik ng huwisyo ni Reeve.
Masyadong akong nagulat o mas tamang sabihin na hindi ako makapaniwala habang tinitingnan ang batang lalaki. Parang nakikita ko ang sarili sa bata ng nasa ganoong edad pa ako.
Maari kayang nagka anak siya sa isang babae five years ago?
Pero kanino?
He bedded different women those time. Ni hindi niya na nga makilala at matandaan kung sino- sino ang mga naikama niyang mga babae noon.
But simula ng nagkaroon kami ng intimate relationship ni Yohan wala na akong kinalantaring mga babae.
Does it mean na anak ni Yohan ang batang iyon? Or mas maiging sabihin anak nila ni Yohan? Kaya ba Ibarra ang gamit nito?
Kung anak ko nga ito, bakit hindi pinagamit sa bata ang apelido kong Montenegro?
Tsssss!
Ipinilig ko ang ulo. Masyado akong nag o-overthinking .
Pumasok na ang dalawang bata kasama ang yaya, kaya sumunod na rin ako.
Masayang buhat-buhat ng pinsang si Francis ang anak nitong si Francois habang katabi naman ang dalawang si Yveth.
Sabay sabay kaming umaawit ng "Happy birthday song".
"Make a wish baby boy" ani Francis sa anak.
Sandaling pumikit ang mata ng bata at sandaling kumibot kibot ang mga labi na tila may sinasabi.
Hindi naiwasang hindi sulyapan ni Reeve ang katabing bata. Si Reeze. Mataman itong nakatitig kina Francis habang buhat si Francois. Bakit tila nakakabasa siya ng lungkot sa mga titig ng paslit? Mukha naman itong bibo at masayahin pero sa mga mata nito ay tila may pait at pangungulilang nakakubli?
"Hey kiddo, what's wrong"? agaw pansin ko dito.
"Wala naman po" malungkot nitong sagot habang nakatitig pa rin sa mag ama.
"C'mmon bud, puwede mong sabihin sa akin kung may iniisip ka, I can be your friend too" Engganyo ko pa sa paslit.
Saglit na tuminging muli ito sa direksyon ng mag ama ngunit nakayuko na ng sumagot.
" I - iniisip k - ko lang po kung anong pakiramdam m - magkaroon ng tinatawag na d - daddy". Pumipiyok pa nitong sagot.
Gulat ang rumehistro sa aking mukha pagkarinig ng sagot nito.
Wala itong ama?
Is he a bastard son?
Nasaktan siya para sa paslit. Tila may matalim na punyal na sumundot sa kanyang dibdib.
Bakit ganun? Tila ramdam ko ang sakit at pangungulila na dinadala ng bata?
Tumingin sa akin ang bata. Tumitig mg diretso sa aking mga mata at ngumiti.
"Wala po ba kayong asawa at anak? Puwede po bang ikaw nalang ang Daddy ko?" walang pasakalye nitong tanong.
Nagulat man sa inakto ng bata ay nginitian ko pa rin ito.
Nababanaag ko ang pagkasabik at pagka uhaw sa presensya ng isang ama.
"I'm still single buddy. Walang asawa at walang a - anak.". Nakangiti pero medyo nauutal kong tugon ng banggitin ko ang salitang anak.Tila may kung harang sa aking lalamunan ng bigkasin kong wala pa akong anak habang nakatitig sa inosenteng bata.
"My mama is single too po, and you're single so puwede na talaga kitang maging daddy? Beautiful po ang mama ko" bibo nitong sabi.
What the!! Nirereto siya ng inosenteng paslit sa ina nito?
"Hmmm. I don't know buddy, but it's okay with me kung tawagin mo akong d -daddy."
"Sigurado ka po?"
Isang matamis na ngiti kasabay ng pagtango lamang ang naisagot ko.
Biglang lumundag sa akin ang bata kaya nakarga ko ito. Nangunyapit pa ang dlawang maliit nitong braso sa aking leeg.
"Yes!!!! May daddy na ako"!!!! Thank you Daddy!!! biglang sigaw ni Reeze kasabay ng mabilis na halik sa aking pisngi na umagaw sa buong atensyon ng mga taong naroon.
Kaya lahat ng taong nasa bulwagan ay nakatutok ang mga mata sa amin. Pero imbis na tawa o kantiyaw ang marinig ko ay samot saring kuro-kuro ang aking narinig kasabay ng halos hindi makapaniwalang pagsinghap.
"Oh my God"
"May anak na siya?"
"My God, kamukhang kamukha niya ang anak niya".
Ngunit walang pakialam si Reeve. Tila na hypnotized lang siyang nakangiting nakatitig sa batang karga karga.
Bakit tila nasa alapaap siya ng tawagin siyang daddy nito?
"Putcha,cazin!! Ngayon ko lang narealize na kaya pala sobrang familiar at ang gaan ng loob naming lahat sa batang iyan, hindi maitatangging anak mo mga iyan halos walang pinagkaiba! Pero limang taon kang naging ermitanyo sa lungga mo at kilala ko ang ina ni Reeze bilang disenteng babae kaya imposible. Imposibleng patulan ka nun!" iiling iling nitong turan pero patuloy pa rin na nakatitig sa aming dalawa.
Is there a possibility na nabuntis niya si Yohan noon? Kaya ba hindi ito nagpakita o nagparamdam sa kaniya lalo na buhay pala ito.Ganun na ba ang galit nito sa kanya.?
Tila nakakaramdam siya ng lukso ng dugo sa presensya ng bata. Anak niya nga ba si Reeze Klinton Ibarra?
Now it's time for him to know the truth. At kapag napatunayan niyang totoo.
By hook or by crook.
Kukunin niya ang dapat sa kanya.09-14-2020
06:28pm
Muscat,OmanThank you po sa lahat. Sanay samahan niyo ako hanggang dulo ng kwento.
God bless and stay safe everyone!.🧡🙏
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
عاطفيةReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...