BMWTL-19

1K 46 8
                                    


Halos mag isang linya ang mga mata ng binata at magkasalubong ang mga kilay habang hindi bumibitaw ang tingin sa dalaga.

Naiinis ako sa kaisipang bigla itong naging center of attraction dahil kahit ako mismo sa sarili ko ay halos lumuwa ang mga mata ng masilayan ang dalaga.

Diyosang diyosa ito sa suot nitong gown na nagbigay hustisya sa makurba nitong katawan.

"Damn that woman!!

Why she's so sexy and so gorgeous effortlessly?" tanong ko sa sarili habang nakatunghay pa rin ang mga mata sa babae.

Parang gusto kong dukutin ang mga mata ng mga kalalakihang empleyado at mga business partners na tulad ko ay tutok na tutok din ang mga mata sa dalaga.

Naikuyom ko na lamang ang mga kamao para pigilan ang sarili.. nagiging possessive akong bigla sa hindi malamang dahilan, at wala naman akong karapatan dahil bukod sa mortal na kaaway ang turing nito sa akin, she's not my type.

Sigurado ka Montenegro, hindi mo type?

"Bestie, kavogue ang beauty mo ngayong gabi, hindi ka ba natutunaw sa lagkit ng mga titig ng mga ka officemates natin?" Bulong mg kaibigan ng makapasok kami sa gusali.

"Pati yata si Mr.CEO laglag brief ang peg sa beauty mo tonight". Nakangising turan ni Kriza kay Yohan.

Tumingin ako sa loob ng function hall, tama nga ang kaibigan, masyado kaming naka agaw ng atensyon, halos malalagkit na titig ng mga empleyado ng M empire ang aking nakikita, ngunit ng mapadako ang paningin ko sa CEO ay halos manghina ako sa talim ng mga titig na ipinupukol nito sa akin.

Naniningkit ang mga mata at salubong ang mga kilay habang nagtatagis ang mga bagang na naka titig lang sa direksyon ko.

Ano na naman kasalanan ko sa gagong iyon? Makatitig akala mo may ginagawa akong krimen. Naiiritang tanong ko sa sarili.

"Pumasok na nga tayo bestie". Yakag ko sa kaibigan at mabilis naman itong sumabay sa kaming pumasok ng function hall.

Naging smooth lang ang daloy ng kasiyahan, may kaunting programa at sandali ring nagsalita si Reeve tungkol sa mga narating ng kumpanya at nagpasalamat din sa lahat ng mga empleyado, mula sa pinakamaliit na empleyado hanggang sa mga department heads ng kompanya.

Habang nagsasalita ito ay halos naka pokus lang ako sa kanya. Sobrang hot niya kasi, dahil sobrang given na ang kagwapuhan nito.

Nakita ko ang kaibigang may hawak ng wine glass habang nakikipag usap sa mga kaopisina.

Maya maya pa ay pumainlang ang isang sweet music, may ilang mga kapareha na ring nagsisimulang sumayaw sa dance floor.

Inilibot ko na lamang ang aking mga mata para hindi makaramdam ng pagkabagot. Aminado naman talaga akong hindi ako mahilig sa mga ganitong gatherings, kundi lang company party, nungkang aatend siya.

Busy sa pagmamasid sa palibot ang dalaga ng...

"Puwede ba kitang maisayaw.. magandang binibini?" Tanong mula sa isang baritonong tinig, at ng lingunin ko ay halos mapasinghap ako ng mapagsino.

"Please?" untag ng binata ng hindi pa rin ako sumasagot.

"Okay" labas sa ilong na sagot ko sa binata.

Okay na rin iyon atleast hindi ako mukhang taga ibang planetang tila hindi nag eexist dahil halos wala namang pumapansin sa akin.

Inabot ko ang kamay ng binatang nakalahad at naglakad na kami patungo sa dance floor.

Hindi ako mapakali ng tila may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan ng nilagay ni Reeve ang kanyang mga kamay sa maliit kong baywang habang ang aking dalawang mga kamay naman ay sa balikat ng binata.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagsasayaw ng biglang hinigpitan ng binata ang mga brasong nakapulupot sa baywang ko, kaya halos dikit na dikit ang aming mga katawan. Amoy amoy ko ang masarap sa ilong na pabango ng binata.

Halos isang toothpick nalang ang pagitan ng aming mga mukha. Kapag sweet dance ba, kailangan ganito ka dikit? Iyong tipong pati hangin mahihiyang dumaan sa pagitan namin ni Reeve.

Halos maduling ang dalaga sa sobrang lapit ng kanilang mukha.

Nanginginig ang aking mga kalamnan ng unti unting bumaba ang mukha ng binata, inayos nito ang ang ilang takas na hibla ng aking buhok at inipit sa aking tainga, kasabay ng nakakapangilabot nitong sinabi.

"Don't you dare to wear clothes like this next time. I'm possessive and I dont want other men lusting your body".

08-30-2020
1:58am
Muscat,Oman

Good morning world,!!☺ Good morning readers!😊Have a safe day ahead guyz 🙏

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon