After 1 year....Masiglang umiinat na bumangon si Yohan mula sa higaan. Magaan ang pakiramdam at simula pa lang ay ramdam na ang enerhiya sa katawan.
Naghihikab na tiningnan ang oras, 5:30 am.
Bumangon na ako at pumasok sa banyo para maligo. Kailangan kong mag ayos ng maaga para huwag malate pumasok dahil may mga importanteng ganap sa kumpanyang pinapasukan sa araw na iyon.
Wala pang sampung minuto ay lumabas ng nakatapis ang dalaga at may tuwalyang nakabalot sa ulo upang huwag tumulo ang aking basang buhok.
Tinungo ko ang aking kabinet na kinaroroonan ng mga gamit. Kinuha ko na ang aking office uniform at nagsimula ng mag ayos ng sarili. Nag apply lamang ako ng slight makeup para hindi masyadong maputla. Konting pahid ng lipstick para magmukhang kissable naman ang labi ko.
Bago mag alas sais ay nag aabang na ako ng masasakyan papuntang M Empire, ang kumpanyang aking pinagtratrabahuan. Mag tatlong buwan na rin akong employee duon,after graduation ay naghanap agad ako ng trabaho at sinuwerte namang natanggap agad dahil na rin siguro Magna Cum Laude akong nagtapos.
Haissstt. Ito na naman sa walang katapusang traffic. Naiinis kong sabi habang nakatanaw sa halos hindi umuusad na daloy ng mga sasakyan sa aming unahan.
Sinipat ko ang pambisig kong relos.
6:45 am!!!
Shit!!! Fifteen minutes nalng!
Lagot na kapag ma le-late ako. Dahil ito pa naman ang araw na makikilala namin ang anak ng may ari ng M Empire na siya na umanong mamahala sa kumpanya. At baka masisante pa ako kapag nahuli nang dating!
Jusko marimar naman kasi ang traffic sa Pilinas! Kailan kaya masosulusyunan ang walang katapusan problema na ito?
Usap-usapan pa naman na ma attitude ang unico hijo ng may ari at kilalang womanizer!
Syempre, sa yaman nilang yun, normal na ang bilang ng mga babaeng magkandarapang maghabol sa lalaki mapansin lang. Pero nakakainis lang dahil masyadong mataas ang tingin nuong babaerong lalaki sa sarili kaya nag te-take advantage sa mga babaeng nagpapantasya sa kanya.
Ewan ba at biglang uminit ang ulo ko sa kaisipang iyon. Hindi ko naman kilala ang kung sino mang poncio pilatong anak ng may ari pero bagsak na agad impression ko sa kanya!
"Manong, sobrang traffic talaga ano?" Basag ko sa katahimikan at tumingin sa gawi ng drayber ng taxi na sinakyan.
"Oo nga ineng, ewan ba at tila walang katapusan na yata itong traffic sa Pilipinas". Nakabuntong hiningang sagot nito.
Muli kong sinipat ang orasan ng magsimula ng umusad ang taksing sinasakyan.
Oh God!!
6:55am!!
"Kuya, aabot ba tayo sa M Empire before 7?". Nag aalala kong tanong. Hindi na ako mapakali.
Shutang traffic naman kasi! Kapag ako na late at nasisante, itatakwil ko na ang bayang Pilipinas!
"Sisikapin ko ineng" sagot nito at kaya naman ay wala na akong magawa kundi hintayin na lamang na makarating sa gusali ng kumpanya.
7:05 na ng huminto kami sa tapat ng M Empire building, mabilis pa sa alas kwatrong inabot ng dalaga ang bayad. Halos matalisod pa ako sa pagmamadali para lamang makapasok agad.
"Manong ito po. Salamat po sa ligtas na paghatid at mag iingat kayo".
Hindi ko na nahintay ang sagot ng mamang drayber mabilis akong lumabas ng sasakyan at malalaking hakbang na pumasok sa building.
"Good morning ma'am". Bati sa akin ng company guard na naka assign sa entrance.
Magiliw ko naman itong nginitian
"Good morning too kuya" nakangiti kong bati pabalik.
Nagmamadali na akong pumasok sa elevator ng makitang bumukas ito, may nakasabay pa akong lalaking empleyado base na rin sa peripheral vision ko. Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil naka focus ako sa kung anong ire-season ko kung bakit late ako.
Pipindutin ko na sana ang numero para sa function hall building pero naunahan na ako ng aking kasabay.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at muling sinipat ang pambisig na relo.
Shit!! 15 minutes na akong late!! Bakit ba kasi di nasosolusyunan ang traffic sa Pilipinas"
Mabuti pang traffic sa Edsa, may forever. Ako, ni lovelife wala!
Haisst!" naiirita kong bulong sa sarili.
"Huag mong isisi sa traffic kaya ka late miss, why don't you woke up early? Para maaga kang makasakay at hindi maipit sa traffic, baby?" isang seductive na boses ang pumukaw sa nagngingitngit kong diwa.
"Ang aga ko kayang nagising,, sadyang matraffic lang talaga sa Pilipinas!! At huwag mo akong matawag tawag na baby! I'm not you're baby!! Inis kong sagot. Kaloka, late na nga ako, may malandi pang kasabay!
"Hindi nga kita kilalang poncio.......!!" halos pasigaw kong sagot sa estranghero at halos mapugto ang aking hininga ng umangat ang paningin ko patungo sa mukha ng estrangherong kasabayan sa elevator!
"Ikaw na naman!!"
Nanlilisik ang matang tiningnan ko ito. Paano ko nga ba malilimutan ang walang hiyang lalaking ito na nagnakaw ng first kiss ko sa harap ng mga ka school mates ko at nasampal ng dalawang beses?
"Yeah. It's me again, baby" halos pabulong nitong sagot habang ang mukha ay halos nasa tainga ko na kaya nararamdaman ko ang hininga nito na halos mapasinghap ako ng magsipagtayuan ang aking mga balahibo.
" You're still the same feisty woman I've met year ago" And she felt his lips brushes hers.
Agad kong tinuhod ito at mabilis na sinampal.
" And you're still that pervert asshole I met year ago!!"
At sakto namang bumukas ang elevator kaya mabilis at walang lingon- kong iniwan ang walang hiyang alam kong namimilipit sa sakit matapos kong tuhurin.
"Manyakis pa rin!!"
Kumukulo ang dugong turan ko, and I touch my lips na second time ng nahalikan ng iisang lalaki at walang iba kundi ang magaling at walang hiyang Reeve Klinton Montenegro!!
Yeah. Montenegro! Then a quick realization hits me.!
Hindi kaya siya ang tinutukoy nilang anak ng may ari ng M Empire?
Oh God!! For the second time Yohan!! Baka wala nakong lusot dito" nakasapo sa ulong sambit ng dalaga.
8-26- 2020
Muscat, OmanThank you so much po sa walang sawang pagtitiyagang pagbabasa saking obra.. God bless everyone!! And plz.. keep safe!🙏🏻😇

BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomantizmReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...