Wala pang bente minutos ay nasa entrance na ng airport si Reeve.
Pagkatapos maipresenta ang mga kakailanganing mga dokumento ay mabilis na akong nakapasok sa loob kung nasaan ang private plane. Ito ang isa sa kagandahan ng pagkakaroon ng maraming koneksyon. Mas napapabilis ang mga transaksyon.
Malayo palang ay tanaw ko na ang pilotong si Justin na nakatayo malapit sa pinto, na talaga namang hinihintay ako! at ng makalapit, mabilis pa sa alas kwatrong yumuko itp,bumati sabay hila ng aking mga bagahe.
"Good afternoon Sir Reeve".
" Kamusta po?" Magalang na tanong ng piloto.
"Okay lang ako Justin". sagot ko naman at pumasok na sa loob. Naupo at ginawang komportable ang sarili.
Huminga muna ako ng malalim at kapagkay nagtanong sa piloto.
"Kamusta na sa Pilipinas?"
"Anong meron at masyadong minamadali nila Mommy ang pag uwe ko?". hindi ko na maiwasang maitanong.
"Eh sir" napakamot si Justin.
"Hindi ko rin po talaga alam sir" at tahimik na itong nag maniobra sa eroplano.
Ilang minuto lang ay naramdaman na ni Reeve ang pag angat ng sinasakyan sa ere. Tanda na tatalikuran at iiwanan na ang lahat ng buhay sa America. Ang luho at ang buhay na malayo sa sa totoo niyang pagkatao.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata para makatulog kahit saglit dahil naiistress na ako kakaisip sa kung ano ang dahilan ng mga magulang at minamadali ang aking pag uwi.
"Sir" mahinang tawag ng piloto ang nagpamulat sa binata.
Kapagkuway sumilip ako sa bintana ng eroplano.
"Welcome back to the Philippines sir". Nakangiting sabi ng piloto.
Sinuklian ko na lamang ng tipid na ngiti dahil hindi ko alam kong dapat ba akong magdiwang na sa wakas ay nandito na ako ngayon sa Pilipinas.
Nauna na akong bumaba ng eroplano at pagkalabas ng NAIA ay mabilis kong nakita ang aming family driver na matiyagang naghihintay. Nilapitan ko na lamang ito at ng makasakay na rin at makauwe dahil medyo nabitin ako sa pag idlip ko sa eroplano.
"Magandang hapon po, Mang Kanor" masayang bati ng binata.
Matagal ng driver ng kanilang pamilya si Mang Kanor kaya halos hindi na iba ang turing nila dito.
"Magandang hapon din sayo, iho" malugod naman nitong sagot.
" Aba'y lalo ka yatang gumwapo sa America". natatawang sambit nito sa kanya.
"Hahaha.Ikaw po talaga Mang Kanor, hanggang ngayon palagi niyo pa rin akong binobola". natatawang ko na lamang na sagot.
"Oh, siya,siya..Sakay na at nang makauwe ka na dahil excited na ang mommy at daddy mo" putol nito sa masaya naming kamustahan.
At binuhay na nito ang makina ng sasakyan at mabilis na umalis sa entrance ng NAIA airport.
Sa kalagitnaan ng byahe ay naalipungatan ang binata ng mauntog ito kaunti sa bintana ng biglang magmenor ang sinasakyan.
Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Tumingin ako sa labas at lalong nainis dahil nakita ko na naman ang walang katapusang traffic!
Palinga linga ako sa paligid. Sa loob ng ilang taong nanirahan ako sa America, pag balik ko wala pa ring ipinagbago ang trapiko na noon pa man ay isinusumpa ko na!
Patuloy lang ang pagmamasid ko sa paligid habang nasa gitna pa kami ng kalsada at naiipit ng traffic. Halos uwian na rin ng mga pumapasok ng trabaho. Kaya andaming nag aabang sa gilid ng mga masasakyang Fx , bus o hindi kaya ay jeep.
Habang nasa gitna ng traffic at hindi pa gumagalaw ang mga sasakyang nasa harapan nila. pinili kong libangin nalang ang sarili sa pagmamasid sa mga nagmamadaling mga tao sa labas ng sasakyan.
Patingin tingin lang ang binata sa labas, maya maya ay napahinto ang aking mga mata sa isang babaeng nkatayo malapit sa kinalululanan kong sasakyan. Madaming tao ang nasa gilid na nag aabang ng masakyan,ngunit napukaw ang aking atensyon ng babae.
Sinipat sipat ko ito, ngunit hindi masyadong kita ang kabuuang anyo nito dahil nakaharap ito sa direksyon ng mga pinanggagalingan ng jeep. Pero kahit kalahati lang ng mukha nito ang nakikita ko. Masasabi kong maganda ito.
Mula sa magandang mga kilay at hugis ng mukha, naka sideview ito kaya kita ang matangos nitong ilong, balingkinitan ang katawan at nasa kurba kahit naka tagilid ang anggulo.Bakat ang mayaman nitong dibdib sa suot nitong simpleng itim na t-shirt na lalong nagpagingkad sa kanyang kaputian, pababa sa kanyang mahahabang biyas at maumbok na pang upo.
I tsked. Ano ba itong pumapasok sa isip ko!
Ibinaling ko sa kabilang kalsada ang paningin,ngunit sa hindi ko maipaliwanag ay kusang bumalik ang aking mga mata sa direksyon ng babaeng iyon.
Kumakaway ito sa paparating na jeep. At sa hindi inaasahan at hindi ko maintindhan, inilabas ko ang aking cellphone at pasimpleng kinuhanan ang babae, ngunit medyo minalas siya dahil paalis na ang babae papasok sa pinara nitong jeepney. Kaya medyo malabo ang kuha ko!
"Shit!". bigla kong nasabi dahil hindi ko napicturan ng mas malinaw ang babaeng iyon!
"Ay! pasensya na iho, sadyang sobrang traffic talga dito sa Pilipinas kung pwde ko lang paliparin itong sinasakyan natin ay aba ginawa ko na para di ka mabagot" Mahabang litanya ni Mang Kanor. Akala niya siguro traffic ang dahilan kaya ako napamura.
"It's okay,Mang Kanor, ineenjoy ko naman po ang paligid. Ilang taon ko rin itong hindi naranasan." natatawa kong sagot.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...