BMWTL-33

1.1K 43 3
                                    


Maliit na mga brasong pumulupot sa kanyang baywang ang gumising kay Yohan.

Naalipungatan man mula sa pagtulog ay pinilit kong buksan ang aking inaantok na mga mata.

And there, I saw the most beautiful creature I ever saw in my entire life!

My four years and three months old son.

Reeze Klinton Ibarra.

"Mama, good morning" bati ng anak ng makitang dumilat na ako sabay ng pagpupug nito ng mga halik sa aking pisngi.

"Good morning too, baby" at mahigpit na niyakap ang aking anak.

Yes, buhay ako at hindi tulad ng inaakala nang karamihang nasangkot ako at naging biktima ng pagsabog five years ago.

Halos araw araw kong ipinagpasalamat ang aking itinuturing na pangalawang buhay kasama ng aking anak.

Mabuti na lamang at nuong mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan kaya pumunta siya sa isang grocery store malapit sa bus station at nakigamit ng banyo.

Nasa banyo ng isang grocery store ako nuong oras na sumabog ang station.

Bumangon na ako ngunit yakap yakap ko pa rin ang aking anak.

"I love you baby, forever" at hinalikan ito sa noo. Hindi ako magsasawang iparamdam sa anak kung gaano ko ito kamahal. Kahit mag isa lang akong nagpalaki dito.

Ipinagpapasalamat ko rin ang buong pusong pag unawa at pagtanggap sa amin ng aking pamilya nuong nalaman nilang buntis ako at walang ama.

Mas lalo pa kaming nagiging close na magkapatid. Si Anne ay kasalukuyang nagtuturo sa isang private school sa bayan. Samantalang ang aking kapatid na lalaki naman ay nasa Manila nakabase. At ako naman ay kasalukuyang manager ng bangko sa bayan.

Maayos naman ang sahod ko at sapat na para mapalaki ang anak kahit hindi marangya.

Ang aking mga magulang ay binigyan na lamang namin ng munting negosyo para may mapaglibangan dahil pinatigil na namin ito sa pagtatrabaho sa bukid.

"I love you too, mama. Bangon na po at kakain na tayo. First day of school ko ngayon mama, gusto ko ikaw maghahatid sakin, please"? naglalambing na ungot nito.

"Ofcourse naman baby ko, si mama talaga ang maghahatid sayo sa school. At ako rin ang susundo sayo" masaya kong turan.

Tumayo na ako at pumasok saglit sa banyo para mag ayos ng sarili.

Pagkalapat na pagkalapat ng pinto ay bumuhos ang kanina ko pang bumabadyang luha.

It's been five years. Pero nasasaktan pa rin ako. Mas higit akong nasasaktan ngayon para sa anak, dahil naawa ako para dito. Kahit hindi man nito sabihin sa kanya ay alam kong naghahanap din ito ng kalinga ng isang ama. Nang totoong ama.

Pero natatakot ako. Ayaw kong masaktan muli o ayaw kong masaktan pa pati ang anak ko kapag ipaalam ko sa binata na nagka anak kami.

Sa loob ng limang taon. Mas nagiging makapangyarihan ito. Kaliwat kanan ang lumalagong negosyo. Mas lalong tiningala, nirespeto at mas madaming naghahangad na mapasakanila ang apelidong Montenegro. Ang apelidong sinumpa ko limang taon na ang nakakaraan.

Ang apelidong nagpamukha sa akin kung gaano kalaki ang kaibahan ng estadong mahirap at mayaman.

Kaya hanggat maari ay ayaw ko ng magkaroon ng anumang ugnayan sa binata. Lalo na sa aking anak.

Baka itanggi at pagdudahan pa ako nitong muli.

Sinikil ko ang nararamdaman sa loob ng limang taon. Pinilit kong ibaling sa iba ang aking puso ngunit lagi akong bigo, iisang pangalan lang ang nanatiling nakaukit dito at tila habang buhay na yatang mag mamay ari; ang ama ni Reeze Klinton.

Pinahid ko ang mga naglandas na mga luha sa aking mga mata. Inayos ang sarili at nakangiting lumabas sa kwarto. Naabutan kong nakaupo pa sa kama ang anak na tila may malalim na iniisip.

"R.K halika ka na baby, baba na tayo" aya ko sa anak.

Bumaba ang anak ko sa kama at lumapit sa akin. Lumuhod ako para magpantay ang aming mukha.

Hinaplos ko mukha ng biglang nalungkot na anak.

"Bakit baby?"

"Mama? Sana katulad rin ako ng mga classmates ko buong family ang maghahatid sa first day of school, bakit ako mama, walang family kasi walang Papa?" inosenteng tanong sa akin ng anak.

Simpleng tanong para sa iba, pero sobrang sakit para sa akin-para sa amin ng anak ko.

Gulat, sakit at awa ang rumehistro sa aking mukha kasabay ng pagbuhos ng masaganang luha at pagyakap sa anak kung uhaw sa presensya ng kanyang ama.

09-13-2020
05:34pm
Muscat,Oman

Thank you po sa walang sawang paghihintay ng aking update at walang sawang pagtitiyaga sa pagbabasa saking obra. Sana samahan niyo ako hanggang dulo ng kwento.
Open for constructive criticism..just leave your comment below.At kung hindi kalabisan pakipindot na din po ang star to vote.
God bless and stay safe everyone!🧡🙏

-Ehnna-🧡🙏

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon