Halos hindi ako makahinga.
Halos tumigil ang ikot ng mundo ko. Hindi ko kayang unawain at intindihin.Imposible!!
Halos sabunutan ko na ang aking sarili!Bakit ba ang tanga tanga ko? Yung alam kong sa simula palang dehado na ako pero sumugal pa rin? Yung alam kong hindi pa man nagsisimula ang tunggalian, talo na ako pero patuloy pa ring akong nagbakasaling maipanalo.
Pero ano?
Kinuha na nito ang lahat sa akin! Bakit ba kasi ang tanga tanga ko!!Durog na durog na ako.
Buong buo ako nitong kinuha at iiwanang pira-piraso!
Yung binigay ko na lahat kahit magmukha akong tanga!
Magmukha akong desperada!
Pero tang ina naman kasi, nagmahal lang ako! At sa gagong boss ko pa!
"You won the bet fucker"
"Lupit mo bro"
"Ikaw na talaga insan"
Dinig kong usapan kanina mula sa loob ng opisina ni Reeve.
"Sinabi ko naman sa inyo, makukuha ko rin siya. Sino bang aayaw sa isang Reeve Montenegro?"
Boses yon ni Reeve! Pero sino ang pinagpustahan?
"Pa'no yan bro, kailan mo i-aanounce na engage ka na?" boses ng isa sa kasama ng boss sa silid.
"I want it as soon as possible" tugon ni Reeve.
"So, paano c Miss Yohan Ibarra, bro?" tanong ulit ng isang lalaki
Pigil na pigil ko ang paghinga. Natatakot ako sa maririnig at isasagot ni Reeve ng banggitin ng mga ito ang pangalan ko.
"She is just one of my bed partners dude at thanks to the bet.. dagdag milyones rin yun"!! Natatawang sagot ni Reeve.
At duon na nga bumigay ang lahat ng emosyon na pilit kong pinipigilan, napalupasay ang dalaga at humagulgol.
Makalipas ang ilang sandali pinilit kong tumayo kahit hinang hina ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang minuto.
Halos hindi magsink in sa utak ko ang narinig. Parang hindi kayang tanggapin ng sarili ko ang lahat ng katotohanan.
Ako pustahan!!??
Masakit! Walang kasing sakit! Buhay pa ako at humihinga pero feeling ko patay na ako. Nakakamanhid ng nararamdaman.
Yung ngayon lang ako nagmahal pero ito rin pala ang unang beses na ang pagmamahal ang dudurog sa akin. Ang pagmamahal ang wawasak sa akin- ang buong ako, pangalan at dignidad.
Hindi na ako nag atubiling kumatok.
Tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng opisina nito kung saan na abutan ko itong prenteng nakaupo sa swivel chair nito, habang may dalawang lalaking nakaupo sa sofa ng opisina.
Hindi na ako nag aksayang bumati sa tatlong lalaking naroon. Para saan pa?
Hindi nila deserve ang salitang respeto. Kahit sila pa ang pinakamayamang tao sa mundo, kung ganito naman kasama ang mga ugali, hinding-hindi nila deserve respetuhin!
Ibinagsak ko ang folder na dala sa mesa ng boss. Tumilapon ang ibang gamit na naroroon.
Gulat na gulat pa ito sa inakto ko.
Hindi pa man nakahuma sa gulat ay mabilis na pinadapo ko ang aking kanang kamay sa pisngi nito.
Pak! Pak! Binigyan ko ito ng mag asawang sampal.
"Hayop ka!!! Anong karapatan mong saktan ako at gawing pustahan, huh!?"
"Hindi ako laruan! Hindi ako bagay na tratuhin mo sa ganuong paraan!" sigaw ako ng sigaw habang pinagsusuntok ang lalaki kasabay ng pagpatak ng masaganang luha sa aking mga mata. Sobrang hapdi at sakit ng aking puso. Hindi ko kayang isalarawan ang level ng kirot. Nakakamanhid.
"Mahal na mahal kita, R.K" nanghihina kong sabi.
"Bakit?"
"Anong kasalanan ko at naisipan niyo akong paglaruan?" paos kong tanong.
"Masaya ka ba na nakikita akong nasasaktan? Masaya ka ba napagtagumpayan mo ang pustahan niyo?"
"Gago ka, Reeve! Mahal na mahal kita kitang gago ka, pero bakit?"
Tumayo ang binata mula sa kinauupuan nito.
"Do you really think I believed you that you loved me wholeheartedly?" Tanong nito at sinabayan pa ng pagak na tawa.
"You are just infatuatedl by the thought that you love me, but the truth is; you just pretended that you're in love with me because of the things you can benefit from me!!" Nanlilisik ang mga matang tumingin ito sa akin.
"So now, tell me. How much do you want and need m just to leave and never show your face to me forever?"
"Ten million?"
"Fifty million? Oh! I think a hundred million is enough for a slut gold digger like you!"
Mabilis na umigkas ang kanang kamay ko at dumapo sa pisngi ng binata. Halos tumabingi ito sa lakas ng impak ng pagkasampal.
"How dare you para pagdudahan ang pagmamahal ko!! Oo nga pala, wala kang alam sa pag ibig dahil hindi ka marunong magmahal!" Nagtatagis ang bagang na sigaw ko dito. Ang sakit sakit sa dibdib! Anong karapatan nitong pagdudahan ako? Nagmahal lang naman ako bakit hindi pa nilubos ang saya?
"Minahal kita bilang ikaw at hindi bilang ang bilyonaryong si Reeve Montenegro!! nagpupuyos ang aking damdamin. Tumingala ako dito at mapait na ngumiti.
"Hindi ko pinagsisihang minahal kita at binigay ang lahat sayo. Nagpakatanga ako. Nabulag ako ng pagmamahal ko sayo sa kabila ng katotohanang ako lang ang nagmahal. Wala kang kasalanan, hindi mo naman ako inutusang mahalin ka. Hayaan mo, balang araw, makakalimutan din kita! At darating ang araw na iyon, kaya na kitang titigan pero tiyak kung wala nakong nararamdaman. Salamat na lang sa pag ibig na dahil lang sa pustahan. Kasi kahit saglit naranasan kong magmahal. Naranasan kong mahalin ang isang Reeve Montenegro. Ikaw ang unang pag ibig ko at siya ring unang dumurog sa puso ko. Salamat dahil minsan sa buhay ko, naranasan ko ang mahalin ang isang tulad mo".
At mabilis akong umalis ng silid na iyon at iniwan itong nakatigagal.
Pagkalabas ng opisina ay napahawak pa ako sa damba ng pinto. Nangangatog ang aking tuhod sa samut-saring naramdaman.
Biglang sumakit ang ulo ko at nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napahawak ako sa impis kong puson.
09-08-2020
06:00 PM
Muscat ,OmanGandang gabi sa lahat😊
Open for constructive criticism just leave your comment at kung hindi kalabisan, pakipindot na din po ung star..to vote😊
Thank you for reading guyz..
God bless and keep safe everyone!! 🧡🙏-Ehnna-🧡🙏
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...