Lulan na ako ng taksi ngunit tila ang bigat pa rin ng aking nararamdaman. Ngumingiti ako pero sa kaibuturan ko ay durog na durog.Pinipilit kong umaktong normal dahil wala akong masasandalan. Malayo ako sa mga kapatid at magulang ko.
Matatanggap kaya ng pamilya ko ang nangyari sa akin? Pati na rin ang magiging baby ko?
Kailangan kong maging matatag.
Huminga akong malalim.
Strong lang tayo self, may rason ang Diyos bakit inallow niyang maranasan mo ito.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa tinitirhan.
Nakangiti kong inabot kay mamang driver ang bayad.
"Kuya, bayad po. Mag iingat po kayo sa pagmamaneho" at lumabas na ako ng sasakyan.
Akmang isasara ko na ang pinto nito ng magsalita si kuyang driver.
"Ineng, kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, magpakatatag ka, huwag kang mawalan ng pag asa at panghinaan ng loob basta magdasal ka lang at patuloy na manalig sa kanya. Walang imposible sa taong matibay ang pananampalataya" nakangiting sabi nito.
"O-opo kuya. S-salamat po" nakangiti ngunit nanginginig ang boses na tugon ko.
At tuluyan na ngang umalis ang taksi.
Naramdaman kong tila namamasa ang aking pisngi. Pinunasan ko ito. Umiiyak ako ng hindi ko naramdaman.
Naalala ko ang aking ama kay kuyang driver.
"Sana nasa tabi ko kayo ngayon inay, itay" at pinahid ang mga luha gamit ang likod ng mga kamay.
Pagkapasok sa aking inuupuhang silid ay agad akong nahiga sa kama.
Pagod ako. Physically at emotionally. Pagod na pagod na ang utak kong unawain at bigyang kasagutan ang mga nangyayari sa akin.
Dahil sa samut-saring nararamdaman, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ng hindi man lang nakakapaghapunan.
Maaga akong nagising kinabukasan at naghanda ng almusal. Kailangan kong kumain palagi sa tamang oras lalo na at may buhay na rin sa aking sinapupunan.
Pagkatapos kumain ay mabilis na akong nag empake ng mga gamit. Yung mga mahahalagang gamit lang muna ang dadalhin ko para hindi ako mahirapan.
Pasado alas sais ay paalis na ako bitbit ang isang hindi kalakihang maleta. Nakapag paalam na rin ako sa may ari ng tinitirhan.
***
Samantalang sa loob ng opisina ng COO ng M empire ay mainit ang ulo ng isang binata habang iniikot- ikot ang ballpen sa kanyang mga kamay.Hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng pagkainis at galit sa sarili.
Pagdating na pagkadating ko kasi kaninang umaga ang resignation letter ni Yohan ang bumungad sa akin.
Aalis na ang babaeng mahal ko. Pero ginago ko.
Ang babaeng purong pagmamahal ang binigay sa akin pero pinaglaruan ko.
Ang babaeng unang kita ko pa lang ay tila na hypnotized na ako nito dahil halos ayaw ko na itong mawala sa paningin ko.
Ang babaeng unang ninakawan ko ng halik sa buong buhay ko na naghatid sa akin ng kakaibang pakiramdam. Tila isa akong adik. Nalulong sa tamis ng mga labi nito.
Ang babaeng sa maikling pagsasama namin ay binuo nito ang pira-piraso kong puso.
Ang babaeng sobrang mahal ko...
Ang babaeng ipinagdarasal kong pagbibigyan ng aking apelido.
Pero nabulag ako ng pagdududa. Naniwala ako sa emosyon ko at kawalan ng tiwala.
Ang gago ko!!
Hinayaan kong makawala ang babaeng kakaiba sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko. Mga babaeng hangad lamang ay ang aking yaman.
Mga babaeng naging dahilan ng kawalan ko ng tiwala.
Isa akong bilyonaryo. Son of a multi trillionaire at soon ipapasa rin sa akin ang lahat ng yaman ng mga magulang.
Isa sa mga rason kung bakit ganun nalang kadami ang mga babaeng halos magkandarapa makamit lang ako.
"S- sIR, may nangyayari pong komusyon sa baba" boses ng secretary ko ang pumukaw ng aking atensyon.
Bumaba ako sa main hall at na abutan ko ang mga empleyadong tila may pinapanuod.
"Ahermmmm" pukaw ko sa atensyon ng mga ito.
Agad naman akong napansin ng mga ito at agad binigyan ng espasyo.
Nakita kong nakaharap ang mga ito sa television at kasalukuyang may flash report.
" .........sa ngayon, ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo ng pagpapasabog sa terminal ng bus. Mahigit 100 katao ang nasawi at walang naiwang bakas ng pagkakakilanlan maliban sa isang lumang school ID na pinaniniwalaan ng mga otoridad na kasama sa mga biktimang nasawi. Isang dating estudyante ng Montenegro Academy....." anunsyo ng reporter na biglang nakakuha ng atensyon ng binata para lalo pa siyang mag pokus sa pinapanuod.
"...... Yohan Gomez Ibarra ang pangalang nakalagay sa lumang I'd.. antabayanan ang panibagong update....hindi na natapos ng biglang..
"NOOOOOOOOOO!!!!!!!". halos mapanabay na sigaw ni Reeve at Kriza.
"Bestie"... nanghihinang sambit ng dalaga and second after, everything went black.
"B-baby..." halos pabulong na sambit ng binata habang walang kurap na nakatingin sa screen ng television kung nasaan naka flash ang I'd ng dalaga.
09-11-2020
08:11am
Muscat,OmanGood morning world!! Hope okay po at safe tayong lahat.
Thank you sa walang sawang pagtitiyaga sa pag antay ng updates..Sana samahan niyo ako hanggang dulo ng kwento.
Open for constructive criticism just leave your comment below at kung hindi kalabisan paki pindot na din po ang star to vote.
GOD BLESS AND STAY SAFE EVERYONE!!🧡🙏-Ehnna-🙏🧡
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...