Nahihiwagaan ako sa inaakto ni Reeve.Tiningnan ko ito ng matalim habang nakataas ang aking mga kilay.
Bakit tila ang saya nito, panay pa ang pag ngisi nito na tila ang saya saya.
I felt something is wrong. Or I must say, mukhang may plano na naman ang damuhong ito.
Naramdaman kong huminto ang kotse niya hudyat na nakarating na nga kami sa mansion.
Mabilis itong umibis sa sasakyan at umikot pa patungo sa direksyon ko at pinagbuksan ng pinto.
Bahagya pa akong napaigtad ng magdikit ang aming mga balat ng alalayan niya ako pababa at iginiya papasok ng kabahayan.
Nagulat pa ako sa nadatnan, bakit andaming tao?
Halos mga nakagayak ang mga taong naroroon.
Ipinilig ko ang aking ulo.
Baka may okasyon ang pamilya kaya isinama ako.
Tuloy tuloy lang kaming naglakad patungo sa kumpulan.
Masaya kaming sinalubong ng mga naroon.
"Reeve iho, mabuti at dumating na kayo" salubong sa amin ng isang may edad at eleganteng babae at ng tingnan ko at matitigang mabuti ay halos manigas ako.
She is no other than Doña Yasmin Montenegro! Reeve's mom.
"Hi mom, this is Yohan RK's mother" pakilala nito sa kanya sa ina.
"Oh! Hi iha! Welcome to the family" masayang bati ng Donya kasabay ng pagyakap sa kanya.
Isang tipid na ngiti lamang ang aking sagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, masyadong nakaka intimidate ang presensya nito.
Ng kumalas ang ginang ay saglit kong pinasadahan ng tingin ang mga taong naroroon na ngayon ay lahat nakatingin sa amin.
Bakit ganyan ang iba makakatitig?
May mga titig na tila natutuwa.
May mga titig na tila nang uuyam
May mga titig na nang aakusa.
Naibalik lamang ang aking atensyon ng maramdaman kong ipinulupot ni Reeve ang kanyang matitipunong braso sa aking baywang.
"I love you, baby" bulong nito at hinalikan siya ng padampi sa pisngi.
"Ladies and gentlemen. May I have your attention, please" narinig kong bigkas ni Reeve bilang agaw attention sa mga taong naroroon.
"I'm sorry to make you wait, the event will start half an hour now. Suit yourselves. Anyway, this is Yohan..my bride to be" at iginiya na ako ng binata patungo sa isa sa mga guestrooms sa mansyon.
"Reeve, bakit ganoon ang sinabi mo sa mga tao? Walang tayo Reeve at hindi ako pumayag magpakasal sa'yo, tinanggihan kita baka nakakalimutan mo" galit kong wika dito.
Naiinis ako dahil bakit bride to be ang pagpapakilala nito sa kanya? Katatanggi ko lang sa proposal niya!
"Stop complaining baby, fix yourself dahil mag sisimula na ang event... magsisimula na ang bagong yugto natin, Mrs Montenegro" hinalikan siya nito sa noo at iginiya na siya papasok sa isang silid. Hindi pa ako nakasagot ay isinara na nito ang dahon ng pinto.
Mas nagulat pa ako ng mapagsino ang mga taong naroroon sa loob ng silid.
"Nay, Tay? Bakit po kayo naririto?Si RK?" naguguluhan kong tanong.
Isang yakap mula kay Inay ang tanging tugon.
"Mag ayos ka na ng sarili mo anak, lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng Itay mo, deserve mo ng sumaya at ayusin ang kung anuman ang nakaraan at magsimula kayong muli kasama na ang apo ko, ang anak niyo" mangiyak ngiyak na sabi ng ina.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomansaReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...