BMWTL-23

1K 46 2
                                    

Nalalasing na ako sa hatid at paraan ng paghalik ng binata. Pilit kong kumawala sa pagkakayakap niya dahil halos hindi na ako makahinga. Idagdag pa ang mapusok na paraan ng paghalik nito.

Pero ang lolo mo, lalo pang ipinulupot ang maugat na mga braso sa aking baywang na tila takot na anumang oras ay tatakbo ako.

At sa wakas ay pinakawalan na nga ng binata ang aking labi, pero nananatili parin ang kamay nito sa aking baywang.

Halos habulin ko ang aking hininga dahil pakiramdam ko ay inubos na ng boss ko ang lahat ng hangin ko sa katawan.

"You're lips tasted like strawberry baby, ang tamis" nakangising saad nito sabay dakma sa dalawang malulusog kong bundok.

Ngunit agad ko rin siyang naitulak.

"Mali ito. Employer kita" at mabilis na kumawala sa binata. Umayos ako ng upo at halos iuntog ko ang ulo ko dahil sa katangahang ginawa ko.

Shit ka Yohan! Kahoy na kahoy ka sa karupukan!

At tahimik na ngang nagmaneho ang binata.Wala kaming
imikan, nakakabinging katahimikan ang sa amin ay namamayani. Tila nagpapakiramdaman lang kaming dalawa kung sino ang unang babasag ng tahimik na atmospera, daig pa ang may dumaang anghel.

Hanggang tumapat kami sa isang magarang bahay. Nagbusina ang binata at agad naman itong pinagbuksan ng guwardiya. Tuloy tuloy ang aming sinasakyan patungo sa garahe nito.

Kahit sa labas palang ng bahay, agaw pansin na ang kalakihan nito at mga makukulay na bulaklak sa hardin. Bahay na sa isang tingin mo lamang ay alam mong milyones na ang halaga.

Lumabas na ang binata sa kotse at lumapit sa akin. Hinawakan ako sa siko at iginiya papasok.

Sa main door pa lamang ay halos lumuwa na ang mata ko sa mga muwebles na nakadisplay na alam kong ang tumataginting ang presyo.

Naputol na lamang ang aking pagsisiyasat ng salubungin kami ng isang medyo may edad ng ginang.

"Oh, Reeve iho. Mabuti at napasyal ka dito, kakain na ba kayo ng hapunan at ng maipaghanda ko?". Nakangiti nitong sabi at bumaling sa akin.

"Abay, kay gandang babae naman itong girlfriend mo iho" nakangiting turan nito na nakatitig pa din sa akin.

"Ako nga pala si Miranda, nanay nalang tawag mo sakin parang anak ko na rin yang si Reeve sa akin na halos iyan lumaki" masayang sambit nito.

Ngumiti na lamang ako.

"Ako naman po si Yohan, at tsaka hindi ko po boy---- " at naputol na lamang ang aking sasabihin ng hinila na ako nito paakyat ng hagdan. Pero nagmamatigas ako dahil ayaw natatakot akong sumama.

Kaya naman nagsisigaw ako ng bigla na lamang akong umangat sa ire, at natagpuan ko na lamang pinasan na ako ng binata na tila sako ng bigas.

"Ibaba mo ako!" nagpupumiglas kong saad, pero halos bingi ito at walang pakialam. Tuloy tuloy ito sa isang kwarto marahil ay kanya. Pagkapasok ay agad rin niya itong sinara at nilock.

Agad pumulupot ang matitipuno nitong braso sa aking baywang at hinila ako palapit at agad sinunggaban ng halik. Mapangahas. Mapanghanap at punong-puno ng intensidad ang bawat paghalik nito.

Dala na rin ng kalasingan ay walang pasubali at pag aalinlangan akong tumugon.

Bahala na si Batman!



09-04-2020
8:35am
Muscat Oman

Sobrang sori.. nakatulugan ko ang pagsusulat.. sobrang pagod lang po talaga..pinilit pero di kinaya 😥 soriii...

Cenxa na pasabaw na update uli .. I won't promise ulit...perp I'll try to update again later..

God bless and keep safe everyone.. 🙏🙏🧡

Lots of love...
Ehnna💕

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon