Pinili kong magtagal sa loob ng banyo at umaasang sa paglabas at wala na ang binata.
Huminga siyang malalim bago tuluyang lumabas.
Suot uli ang office suit ko naglakad na ako patungo sa sofa para kunin ang aking bag.
Luminga linga pa ako sa paligid at ng walang ni anino ni Reeve ay lumabas na ako. Tuloy tuloy na sumakay ng elevator pababa.
Binati pa ako ng security ng tumapat ako dito.
Papunta na sana siya ng parking area kung nasaan naroroon ang kanyang kotse ng biglang may magarang sasakyang huminto sa dapat niya.
"Hop in" wika ng isang baritonong tinig mula sa kotseng huminto.
Pinaikot ko ang aking mga mata dahil alam ko naman kung sino ang may ari ng boses na iyon.
Hindi na ako nagmatigas dahil baka dito pa kami sa harap mismo ng kumpanya nito magtatalong muli.
Humakbang na ako patungo sa sasakyan nito at tumungo na sa likurang bahagi.
"At balak mo pa akong gawing driver mo?" inis na tanong ng binata.
Napaikot akong muli ng aking mga mata dahil sa sinabi nito.
Hanggat maari nga ay ayaw ko ng makatabi itong unggoy na ito at heto ngayon gusto pang sa tabi nito siya maupo!
Tiningnan ko ito ng pailalim. At tiningnan sa mukha ngunit namula ang kanyang mga pisngi ng tumingin din ito sa kanya kaya nahuli siya nitong nakatitig.
"Alam kong gwapo ako, huwag mo naman masyadong ipangalandakan" nang aasar nitong wika.
Katakot takot na pag irap ang pinakawalan ko, lumabas ako ng sasakyan at tinungo ang harapang bahagi ng sasakyan.
"Masyadong mahangin" sabay upo at sinadya ko pang padabog na isara ang pinto nito.
Blag!!!
Agad namang napatingin ang lalaki sa gawi ko.
Ngumisi..
"Baby, be careful. Mahal ang kabayaran niyan kapag masira mo" nakangisi nitong wika.
Tiningnan ko siya ng pailalim.
"Dami mong satsat! Kaya mo namang bumili kahit ilang piraso pa ng sasakyang ganito" inis kong sagot.
Umiling lang siya sabay tingin sa akin...titig na tila inaarok maging ang aking kaluluwa. Titig na tumatagos maging sa kaliit liitang himaymay ng aking mga kalamnan.
My God RK! Ayan ka na naman sa nakakapanghinang mga titig landing tili ng isipan ko.
"Kapag nasira yan, hindi na ako bibili ng bago, itatago ko nalang, unless babayaran mo" sagot ni Reeve ngunit tuwid pa ring nakatitig sa akin.
"Bakit naman? At saka hindi ko naman afford bayaran itong sasakyan mo kapag nasira ko" nakanguso ong sagot.
"Hindi ko naman sinabing pera ang ibabayad mo, at tsaka okay lang naman sa akin kahit masira mo yan, ganyan kita kamahal tsaka kahit masira mo man lahat ng bagay na meron ako, okay lang kung sa huli puso mo naman ang kabayaran nito" wika nito sabay kindat ngunit nakatitig pa rin.
Putspa naman Reeve! Galit ako kanina eh! Gusto kitang iwasan pero naknang tupa kang unggoy ka.. rumurupok ako sa mga banat mo!
"Duh, wala na bang mas ikokorny pa diyan?" kunwari ay inis kong turan.
Umayos ako ng upo at tumingin sa labas upang itago ang kilig at ang namumulang pisngi.
Hayup ka Reeve! Kinikilig petchay ko sa mga hirit mo!
09-23-2020
06:27pm
Muscat,OmanPlease vote, and comment po.
Thank you so much !
God bless and stay safe 🧡🙏
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...